in

TIGNAN: Nagpakasal ang lalaking ito sa isang rice cooker! “She can cook”

Viral sa social media ngayon ang lalaking nagpakasal sa kanyang kakaibang bride.

Kung ang karamihan ay ikinakasal sa mga taong pinakamamahal nila, ang lalaking ito ay pinakasalan ang kanyang rice cooker!

Ang Indonesian man na ito ay walang iba kung hindi si Khoirul Anam. Pinakasalan lang naman niya ang kanyang rice cooker.

Viral siya ngayon sa social media matapos ma upload ang kanyang mga larawan noong araw mismo nang pakasalan niya ito.

“Not to mention warm… without you my rice isn’t cooked,” caption sa viral post.

Sa isang litrato, makikita pang nakikipag kamay sa isang wedding official si Anam. Kita din sa mga larawan ang pagpirma niya sa marriage of contract katabi ang rice cooker na nakasuot pa ng belo.

Pero nakakalungkot dahil nagtapos din ang kanilang relasyon sa loob lamang ng ilang araw.

“Disappointed, Khoirul Anam decided to divorce the magic jar because the wife can only cook rice but not vegetables,” base sa caption ng isa pa niyang post.

Pero sa huli, sinabi ni Anam na pawang potrayal lamang ito kung ano ang mga hinahanap ng isang Indonesian man na kanilang mapapangasawa.

Mark Herras binasag na ang katahimikan sa naging isyu nila ni Lolit Solis tungkol sa Php 30,000!

Child actor noon na si John Wayne Sace ibinahagi ang mapait niyang nakaraan sa panayam kay Ogie Diaz