in

TIGNAN: Mamahaling Bag Collection Ni Kim Chiu Pinasilip Sa Fans!

Marami sa mga artista ang may kanya-kanyang collections. Ang iba ay sapatos, mga mamahaling laruan, o kaya mga bag.

Katulad na lamang ni Kim Chiu na may malaking mamahaling bag collection simula nang pasulain ang showbiz.

Bukod sa pagiging isa sa mga sikat na artista sa ABS-CBN, pinasok na din ng Kapamilya aktres ang YouTube vlogs.

Dito siya nagbabahagi ng ilang personal daily life niya kasama na din ang nobyo na si Xian Lim.

Ngayon nga, ipinasilip ng Chinita Princess ang kanyang massive luxurious bag collection.

“Isa ‘to sa mga most requested content niyo na i-vlog ko so hindi ko na ipagdadamot ‘tong kwartong ‘to. Actually, two years ago, sa room tour vlog ko, pahapyaw na napasilip dito sa kwartong ‘to,” sabi ni Kim sa kanyang vlog.

Ayon kay Kim, nahiligan na niya bumili ng designer’s bag sa 15 taon niya sa showbiz. Pero dahil nga sa pandemy4, pinili ni Kim na wag muna bumili last 2020.

“Pero last year, 2020, congratulations to me, hindi ako bumili ng kahit na anong signature bag kasi narealize ko hindi naman talaga tayo lalabas talaga kaya hindi natin masyado kailangan ang bag,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, lahat daw ng kanyang bags ay may sentimal value talaga. Pero may mga pagkakataon na kailangan niyang ibigay sa iba ang bag lalo na kung para sa charities.

Hindi maitatanggi na mamahalin ang mga bag ni Kim dahil nagsisikatan ang mga brands na ito. Hindi din imposible na makabili siya ng mga ito dahil sa sikap at tiyaga niya sa trabaho.

Ilan sa kanyang luxurious collection ay ang Gucci, Louis Vuitton, Prada, Bottega Veneta, YSL, Balenciaga, Valentino, Burberry, Fendi, Dior, at Hermes.

Janella Salvador Ipinasilip Na Ang Maternity Shoot Sa Unang Pagkakataon!

Silipin Ang Resthouse Business Ni Chito Miranda at Neri Naig!