in

Throwback photo ni Kathryn Bernardo viral ngayon sa social media, napagkamalang si Marian Rivera

Mga netizens namangha sa kagandahan ni Kathryn Bernardo naikumpara pa kay Marian Rivera.

Hindi maikakaila na sina Marian at Kathryn ay ilan sa mayroong pinaka magandang mukha sa showbiz.

Kaya naman marami ang humahanga sa kanila bukod sa galing nila umarte sa harap ng kamara.

Noong kabataan ni Kathryn, gumanap siya bilang batang Marian sa teleseryeng Endless Love sa GMA-7.

 

 

At magmula noon ay itnuring nang little sister ni Marian si Kathryn Bernardo.

Kamakailan nga lamang may litrato si Kathryn na nag-viral dahil pinagkamalan siyang si Marian.

Sa Facebook fanpage ng KathNiel ay apat na litrato ni Kathryn ang nakapost, kung saan hawig niya nga talaga si Marian.

Kaya tila nalito ang kanyang mga fans dahil sa litratong ito at agad na nagviral at umani ng samu’t-saring komento.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens:

“kamukha nga sya ni Marian Rivera kaya sya ang batang jenny sa endless love..so beautiful”

“Oo nga nmn c Kath yan. Magkahawig lng cla ni Marian. Magkasingganda kc eh”

“Oh my ghad, magka face kayo ni Marian.”

“Akala kho c marian tlaga..mag ka mukha nga sila”

“Pinaghalong marian rivera,Kristine reyes and kathryn bernardo”

Sa mga larawang iyon ay pwedeng pwede talaga na magkapatid sina Marian at Kathryn.

Samantala, aminado din si Kathryn na sa tuwing nakikita niya si Marian ay hanggang ngayon ay nai-starsruck pa din siya.

Ito ang inilahad niya sa nakalipas niyang panayam sa Unang Hirit.

At kung bibigyan daw siya ng pagkakataon na may Kapuso artist na makatrabaho niyang muli ay si Marian ang pipiliin niya.

“Ms. Marian Rivera… siya lang ’yong artista na nasa-starstruck ako.” sagot nito habang nakangiti.

“For me, siya ’yong pinakamaganda sa buong mundo…si Marian Rivera,” paglalahad pa ni Kathryn.

Anong masasabi mo dito?

Makatapos ang mahabang panahon, Aljur Abrenica nakasamang muli ang mga anak

Eric Fructuoso isa na ring negosyante, rumaraket din bilang delivery rider ng kanyang business