in

Throwback photo ng mga ex-girlfriend ni Gerald na magkakasama inungkat muli ng mga netizens

Shampoo endorsers in one frame o ex-girlfriends ni Gerald Anderson in one frame?

Tila hindi na matatapos ang init ng mga mata ng netizens sa aktor na si Gerald Anderson. Bagamat na naka moved on na ang lahat, mukhang hindi pa din ang ilang netizens.

Noong isang araw, January 17, 2022 nag post ang isang fan page ng throwback photo ng mga aktres na sina Maja Salvador, Julia Barretto at Bea Alonzo na magkakasama na kuha mismo ni Kim Chiu.

Muli itong napagkatuwaan ng mga netizens dahil ang tatlo ay may common denominator– at ito ay si Gerald Anderson. Unang naging couple sina Kim at Gerlad na parehong nanggaling sa Pinoy Big Brother, naghiwalay sila noong 2010.

Habang si Maja naman ay ang naging nobya ni Gerald noong 2013 at naghiwalay noong 2015. Matatandaan na nagkaroon pa ng isyu sa pagitan ni Kim Chiu at Maja noon dahil sila ay matalik na magkaibigan.

Sumunod dito ang aktres na si Bea Alonzo na alam na ng lahat kung ano ang naging ending ng kanilang love story. Lumalabas na na-ghost umano ng aktor ang aktres. Isa ito sa pinakamainit na controversial break up noong 2020.

At last not but the least, si Julia ang current girlfriend ni Gerald. Inamin nila ang kanilang relasyon noong January 2021.

Jessy Mendiola sa mga nagtatanong kung kailan siya magbubuntis, ‘Mind Your Own Business!’

Joshua Garcia pinakilig ang mga netizens sa prank call niya kay Ivana Alawi