in

Tattoo Artist na nali-link umano kay Kylie Padilla pinangalanan ng mga netizens

Mga netizens kumalap muli ng ebidensya, sa mga lalaking nali-link ngayon kay Kylie Padilla.

Matapos ngang mag-viral ang naging pahayag ni Aljur Abrenica kamakailan ay maraming haka-haka na ang naglabasan.

Ayon kasi sa post ni Aljur ay si Kylie umano ang unang nagloko. At naging dahilan ng pagkasira ng kanilang relasyon.

Noong una nga ay ang aktor na si JM De Guzman ang itinuturong naging karelasyon umano ni Kylie. Habang sila pa ni Aljur.

Ngunit mariin naman itong itinanggi ng aktres at sinabing magkaibigan lamang sila ni JM at minsan lang nagkasama.

Kasunod naman nito inilabas naman ni Cristy Fermin na ayon daw sa kanyang source ay laging may katawagan si Kylie. Kahit pa daw madaling araw ay may ibang kausap ang aktres.

At hindi pa dito natatapos ang lahat, dahil mismong mga netizens ang nakakalap ng ebidensya. Pinangalanan nila ang sinasabing tattoo artist na karelasyon umano ni Kylie.

Isang nagngangalang Jinno John Simon na may-ari ng Vimana Tattoo ang totoong kasintahan daw ngayon ni Kylie.

Si Simon ay kilalang tattoo artist ng mga celebrity. Ayon sa isang netizen lagi nilang nakikitang magkasama sina Kylie at Simon.

Tatlo o apat na araw daw magkasama sina Kylie at Simon at kitang kita daw ito ng mga tao sa Tabing Ilog ng Daraitan.

Kung makikita ang ilang posts ng Vimana Tattoo page sa Facebook, mababasa ang post na “I’m choosing Love over fear” na caption sa isang art card na may nakasulat na,

“THEY FEAR LOVE BECAUSE IT CREATES A WORLD THEY CAN’T CONTROL”

Sinasabi naman ng mga netizens na patungkol ito sa kung ano man ang sitwasyong meron sila ni Kylie Padilla.

Sa ngayon ay tikom pa ang bibig ni Kylie tungkol sa kaugnayan niya sa tattoo artist na ito.

Pinsan ni Kylie Padilla, ipinagtanggol ang aktres laban sa mga paratang ni Aljur Abrenica

Gerald Anderson sinorpresa ang nobyang si Julia Barretto ng sweet dinner date set up by the beach sa Boracay