in

Super Tekla nakipagbalikan sa dating partner, Michelle Banaag buntis ulit!

Usap-usapan ngayon ang balitang muling nagkabalikan sina Super Tekla at dating live-in partner na si Michelle Banaag.

Kung matatandaan, taong 2020, naging hot topic sa social media ang ‘TALSIK’ issue nina Tekla at Michelle.

Inireklamo kasi ng huli ang komedyante dahil sa hindi umano makatarungan na ginawa nito sa kanya at sa kanyang pamilya.

Tinutukan ng sambayanan ang kanilang isyu sa programang Raffy Tulfo In Action. Hanggang sa lumabas na gawa gawa lamang ni Michelle ang mga paratang niya kay Tekla.

Kaya naman bumuhos ang simpatya ng madla sa komedyante, at iyon din ang simula na siya ay sumikat sa industriya.

Samantala, matapos ang halos dalawang taon, napabalitang nagkabalikan na umano sina Tekla at Michelle.

Ito ay ayon sa ulat ni Cristy Fermin, aniya bukod sa pagbabalikan, buntis na raw uli si Michelle sa ikalawa nilang anak ni Tekla.

“Ako hindi naniniwalang beki si Super Tekla… Unang-una mayroon siyang asawa… si Michelle na nagdadalantao na naman ngayon sa pangalawa nilang anak,” pahayag ni Cristy sa “Showbiz Now Na”

Sa pagkakataong ito ay marami na ang natabangan kay Tekla. Na kabaligtaran noong una na maraming tumutulong at naaawa dahil nga may sakit ang panganay nitong si Angelo.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Tekla ukol dito.

Jessy Mendiola at Luis Manzano masayang ibinahagi na magkaka-anak na sila

Urban Legend tungkol sa Robinson’s mall muli na namang pinag-uusapan