in

Super Tekla iba daw ang itsura sa latest video nila ni Donita Nose ayon kay Cristy Fermin

Sa latest video ni Super Tekla kasama si Donita Nose, napansin ni Cristy Fermin na iba daw ang itsura nito.

Kamakailan nga ay naglabas ng video ang Donekla in Tandem. Kung saan ipinaliwanag nila ang tungkol sa pagkasira umano ng kanilang pagsasamahan.

Naglabas ng sama ng loob si Donita at ipinunto na ang katamaran daw ni Tekla ang naging dahilan. Kaya hindi na sila nakakapaglabas ng vlog sa kanilang YouTube channel.

Samantala, sa latest episode naman ng programa ni Cristy na Cristy Ferminute si Tekla ang isa sa naging topic.

Napansin daw kasi ng batikang entertainment columnist na kakaiba daw ang itsura ni Tekla ngayon.

“Pero hindi maganda hitsura ni Tekla ngayon, sa totoo lang,” saad ni Cristy.

Pagpapatuloy pa nito, “Alam naman natin na meron siyang pinagdaanan, na ‘yung bisy0 na ‘yon ay dapat niyang bitiwan. Sana ay tuloy-tuloy na. Kasi, kadalasan, ‘yung pagiging tamad, walang disiplina at pagiging unprofessional, nanggagaling sa bisy0 ‘yan e.”

Sinabi din ni Cristy na dahil umano sa bisy0 kaya parang tinatamad ng magtrabaho si Tekla. Nawawalan na daw ito ng gana na marahil ay epekto ng pagbabalik nito sa dating gawi.

Binigyan din niya ng payo ang magkaibigan sa ikagaganda at ikakaayos umano ng kanilang pagsasamahan.

“Sa bisy0 ‘yan, kahit ano pa ang gawin, tatatak at tatatak pa rin ‘yung katamaran. ‘Yung kawalan ng disiplina, sa bisy0 pa rin ‘yan e. Dapat, kung gusto niya talagang magseryoso sila ni Donita at gusto rin ni Donita na magseryosohan sila ni Super Tekla, bigayan.”

Ina Feleo inalala ang beteranong aktor at amang si Johnny Delgado sa ika-74th birthday sana nito

Nanay ng aktres na si Nadia Montenegro nalimas ang pera sa isang membership shopping store