in

Sunshine Guimary kinaaliwan ng netizens, ginawang katulong sa vlog ni Robert at Balong

 

Madaming netizens ang naaliw sa vlog nina Balong at Robert kasama si Sunhine Guimary.

 

 

Contract star na ng Viva ang Cebu based vlogger nasi Sunshine Guimary. Modelo siya ng swimsuits at lingerie.

 

 

Siya ay tinaguriang  “Braless Goddess” dahil sa kanyang mga video sa kanyang YouTube channel.

Sa sarili niyang vlog ay kitang-kita ang mapanuksong kaseksihan sa pagsusuot ng bikini at nighties.

 

 

Siya din ang pinakabagong leading lady ni Ion Perez sa pelikulang “Kaka” kasama din si Jerald Napoles.

 

 

Batay sa trailer ng Kaka, mahihinuha agad na for adults only ang pagbukaka ni “Braless Goddess” Sunshine Guimary sa kanyang launching movie.

 

Halos 177K views na ang official trailer ng Kaka mula nang in-upload ito noong Abril 25, 2021 sa YouTube channel ng Viva Films.

 

 

Kamakailan nga ay naging usap-usapan ang unang pagkakataon na na-meet niya in person si Vice Ganda sa It’s Showtime.

 

 

Dito ay humanga si Vice sa angking kagandahan at kaseksihan ni Sunshine na inilarawan pa niyang tila isang Dyosa.

 

 

Samantala, isa naman si Sunshine sa naging guest sa vlog nina Balong at Robert na kung tawagin ay mga “Tambay”

Sa kanilang video ay naing katulong si Sunshine sa “Tambay House”

 

 

Pinagsilbihan niya ang lahat ng kalalakihang nakatira doon kabilang na nga dito si Balong.

Katulad ng mga trabaho ng isang kasamabahay, kinakailangan maglinis, magluto, maglaba, at maghugas ng pinggan si Sunshine.

 

 

Pero walang ka-arte arteng ginawa lahat ito ng se’xy actress.

 

 

Marami namang netizens ang kinaaliwan ang nasabing video dahil game na game daw si Sunshine sa mga biruan.

 

 

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Kaka lang Sakalam”

“Kaka dibdiban laban to”

“nakakatuwa naman si kaka wala kaarte arte”

“palaban si Kaka nakakatuwa”

Panoorin dito ang kanilang video:

Jerome Ponce isinapubliko na ang relasyon kay Sachzna Laparan ng batiin ang huli sa kanyang kaarawan

Newlywed couple na sina Rocco Nacino at Melissa Gohing bumili ng lote sa Tagaytay para sa kanilang future Casa Nacino