in

Sunshine Dizon niresbakan ang netizen na nanglait sa kanyang itsura pag walang make up

 

Sinupalpal ng aktres na si Sunshine Dizon ang basher na lumait sa kanyang itsura.

Simple pero tagos na tagos ang naging resbak ni Sunshine sa isang netizen na nanglait sa kanyang mukha.

 

 

Ayon sa laiterang netizen, hindi raw kakinisan ang mukha ng award-winning actress.

Dahil kitang-kita raw sa litrato nito ang tunay niyang itsura kapag wala siyang make-up.

 

 

“Puro tuldok yung mukha pag hindi naka make up,” ang walang habas na komento ng basher.

Agad namang niresbakan ni Sunshine ang basher at sinagot ng: “sensya ka na ha sadyang marami talaga ko freckles nasa dugo talaga namin. Peru mas ok na pong maraming freckles kesa di na maganda masama pa ugali”

 

 

Kinuyog din ng mga IG followers ni Sunshine ang naturang netizen para ipagtanggol ang aktres. Kaya ang ending, kung sino ang nam-bash ay siya ang napahiya.

 

 

Hindi ito ang unang pagkakataon na pumatol si Sunshine sa kanyang mga bashers.

Nakaraan lamang ay inuweltahan ni Sunshine ang isang netizen na nagtanong kung aktibista ba siya.

 

 

Isa kasi si Sunshine sa mga celebrities na hayagang tumutol sa pagsasabatas ng Anti-Te’rr0rism Act (ATA) of 2020.

 

 

Tanong ng netizen, “Nagiging aktibista ka na rin po ba? Mas maganda po focus ka sa pagluluto at sa mga kiddos mo. At maganda ‘yung i-post good vibes pa po. Mas maganda
tahimik at walang nag-babash sa’yo. Fan mo po ako since AnnaKarenina.”

 

 

Sagot naman ni Sunshine, “Hindi po ako aktibista, isa lamang akong ina na nagnanais ng mas maayos at payapa na Pilipinas.”

 

Ayon kay Sunshine, tanggap niya ang pagkakaroon ng bashers ay parte ng pagiging mas tapat sa sariling opinyon.

Zeinab Harake at Skusta Clee mas naging masaya ang pagsasama sa pagdating ni Baby Bia

Net worth ni Bea Alonzo umabot diumano sa PHP200 Million hanggang PHP500 Million