in

Star For All Season Vilma Santos, naglakad ng malayo upang mamitas ng gulay para sa evacuees ng Taal

Vilma Santos pumuntaa ng bukirin upang mamitas ng gulay para ipamahagi sa evacuees ng Taal.

Si Ate Vi ang Lipa City House Representative ngayon, kaya naman puspusan ang pagtulong niya sa kanyang nasasakupan.

Kamakailan nga lamang ay nagbahagi ang Star For All season ng isang video.

Kung san mahaba ang kanyang nilakad papunta ng bukirin upang mamitas ng mga gulay.

Aniya ang lahat ng makukuha niya ay ibibigay sa mga evacuation center kung saan nananatili ngayon ang mga apektado sa muling pag-alburoto ng bulkang Taal.

Upang kahit papano daw ay may mailulutong masustansyang pagkain ang mga evacuees.

Sa kanyang video, saad ni Ate Vi ay napatunayan daw niya kung gaano kahalaga ang lupa at ang mga gulay.

Dahil dito ay hindi magugutom ang mga tao basta’t magtanim lamang ng mga gulay ay may makakain na.

Ang ilan sa mga napitas na gulay ni Ate Vi ay sitaw, okra, kalabasa, at marami pang iba. Tuwang tuwa din si Ate Vi sa pag-inom ng fresh buko juice.

Agad namang umani ng papuri ang video na ito ng dating aktres turn politician.

May ilan pa ngang nagsabi na wala talagang kaarte-arte si Ate Vi, napakasimple at matulungin.

Narito ang ilan sa komento sa kanyang video:

“Ate Vi I Love You po!☺ang ganda-ganda namn ng mameh Vi”

“Wow apaka Fresh and so maganda ang MAMEH !!”

“mabuhay ka, Hon. Vilma Santos Recto!!! Galing mo.. harvesting etc makes you more lovable!”

“thank you for the genuine love to all Batanguenos ate Vi”

“tnx ate vi Nandyan ka lagi, para sa kapakanan ng mamayan”

Ilan naman sa mga kaibigan ni Ate Vi sa industroya ng showbiz ang nagiwan ng heart emojis sa comment section.

Panoorin dito ang video ni Vilma Santos- Recto:

Net worth ni Bea Alonzo umabot diumano sa PHP200 Million hanggang PHP500 Million

Trina Candaza ibinahagi ang masayang bakasyon nila ni Carlo Aquino kasama ang kanilang baby sa Bohol