in

Sosyal na Lumpiang Shanghai ni Sofia Andres umani ng nakaka-aliw na komento mula sa mga netizens

Kinaaliwan ng mga netizens ang mga sosyal na pagkaing ibinahagi ng aktres na si Sofia Andres.

Noong Biyernes, June 25, 2021, ibinahagi ni Sofia Andres ang litrato ng kanyang mga kinain sa Wagyu Studio.

Ang Wagyu Studio ay ang bagong bukas na Japanese steakhouse sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ang mga pagkaing isini-serve dito ay ang mga traditional food with a twist pagdating sa pagpeprepara.

Sampung magkakaibang puthae ang inihanda para kay Sofia para sa food tasting kasama na nga rito ang lumpiang shanghai na talaga namang kinaaliwan ng mga netizens.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Ang lumpiang shanghai ay sikat na pagkain sa bansa lalo na sa mga iba’t-ibang okasyon, at fiestahan.

Kaya sanay ang mga Pinoy na hindi ito nawawala sa hapag kainan pag may handaan.

Makikita sa litratong ipinost ni Sofia ang kalahating lumpia na nakalagay sa stylish na plato.

Kaya naman pinagkatuwaan ng mga netizens ang nasabing litrato.

May ilan na nagtanong pa sa aktres kung nabusog daw ba siya sa kakapiranggot na shanghai na ito.

Narito ang ilan sa mga nakakaaliw na komento ng netizens:

“Yung cost cutting ang handaan, kaya kalahating shanghai per tao na lang.”

“Iba talaga pag kaing kyomanin [emoji]”

 “tanong ko lang po sana,, nabusog ka po ba??”

“Ung lumpia nila di sulit huhu sana sa ibang binyagan ka na lang pumunta”

“Mayayaman nga naman hanggang lalamunan ko Lang yan eh”

“Parang di ko keri ang ganyang servings di aabot sa bituka ko”

Samantala, iba’t-ibang klaseng putahe naman talaga ang natikman ng aktres sa nasabing restaurant.

Kabilang na nga dito ang, Toro, Nori Tostada, Shabu Shabu, Champagne Oyster, Chateaubriand Sando, Josper, Kobe Jewelry Cask, and Jerky Gelato.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Simpleng date nila Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa Baguio City, ibinahagi ng aktres

Napakalawak na pagmamay-ari nilang shrimp farm sa Sarangani ipinasilip ni Jinkee Pacquiao