in

Soon to be mom-of-two na si Jennylyn Mercado gumamit pa ng Tarot Cards para malaman kung buntis ba talaga siya!

Napakaraming pinagdaanan ng celebrity couple na sila Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang pregnancy journey.

Nitong nakaraan, sinurpresa ng dalawa ang kanilang fans at showbiz friends nang mag pregnancy at engagement reveal sila sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel.

Naikwento ng dalawa na binalak nila mag surrogacy noon para sa magiging anak nila dahil nga hirap mag buntis ang Kapuso actress.

Sa katunayan, nag punta pa ng Texas ang dalawa para sa paghahanap ng surrogate mother.

Pero hindi dito natapos ang kanilang pregnancy journey. Dahil nabiyayaan sila na magka anak sa mismong sinapupunan ni Jennylyn.

Sa pangatlong bahagi ng kanilang “After All’ sa YouTube kung saan ibinahagi nila ang kanilang pinagdaanan, nakwento ng dalawa ang iba pang detalye.

Nabanggit ni Jennylyn na napansin niya daw ang pag-iiba ng kanyang mood at sobrang sensitive niya. Umabot pa daw sa punto na nag-aaway sila ni Dennis sa maliliit na bagay.

“Naisip ko na parang… parang pamilyar yung pakiramdam. So kinabahan ako nun,” pagbabahagi ng aktres.

Kaya daw naisipan niya na gamitin ang Tarot Cards niya dahil marunong naman daw siya magbasa nito.

Tinanong niya daw ang cards kung buntis na daw ba siya ulit.

Nabunot daw ni Jen ang three major cards: The Priestess, The World at The Lovers.

Dito na daw napagtanto ni Jen na buntis siya at nagpabili agad ng pregnancy test kay Dennis. Nakumpirma ito lalo nang mag positive ang kanyang result.

Kylie Padilla nakatanggap ng papuri mula sa mga fans na nagkaroon ng chance na makita siya sa personal

Kim Atienza may cryptic comment sa post ni Camille Prats tungkol sa pagiging direktor ni John Prats