in

Smokey Manaloto proud daddy na sa edad na 40! Ipinakilala sa publiko ang kanyang baby

Sa edad na 40, proud daddy na ngayon ang actor comedian na si Smokey Manaloto.

Sa TikTok video ni Smokey noong August 7, na siya ring first video niya sa TikTok world. Ipinasilip ni Smokey ang pregnancy journey nila ng kanyang misis.

Hanggang sa i-welcome na nila ang kanilang first baby. Parehas silang naka-face mask ng kanyang partner kaya hindi mababanaag ang maganda nitong mukha.

“Sabi nila, ‘Wala ka nang pag-asa!’ Sabi nila, ‘Huli ka na sa biyahe.’ Akala ko nga huli na. Hindi pa pala. Heto na ‘yung something big na nangyari sa akin!” intro ni Smokey sa kanyang video.

Kasunod naman nito, makikita sa video na sumailalim sa ultrasound ang misis ni Smokey. Kinunan ito noong December nakaraang taon.

Ang sumunod naman ay kinunan nito lamang August 2 na papunta na sila sa ospital. Dahil due date na ni misis.

August 3 naman ng nag-umpisa na mag-labor ang partner ni Smokey at through video call lang sila nag-uusap. Bawal kasi ang aktor sa delivery room.

At nitong August 4, 2022 isinilang ang kanilang baby “Kiko Manaloto”. Sumunod naman na eksena ay ibinahagi ni Smokey ang first bonding nila ng kanyang baby boy.

Narito ang kabuuan ng video:

@smokeymanaloto First post!!! Welcome to my tiktok account! Enjoy!!! #thebigevent #firsttimedaddy #firstbaby #fyp #foryoupage #firstpost #smokeymanaloto ♬ What I Never Knew I Always Wanted – Carrie Underwood

Rita ‘Badjao Girl’ Gaviola inamin na sa publiko na isa na siyang ganap na ina!

Jessy Mendiola at Luis Manzano masayang ibinahagi na magkaka-anak na sila