in

Skusta Clee pumalag sa viral post ni Vanessa Raval tungkol sa isang sikat na rapper

Hinamon ni Skusta Clee si Vanessa Raval na pangalanan umano ng dalaga ang tinutukoy nitong nangungulit sa kanya.

Noong July 26, isang pasab0g ang ibinahagi ng anak ni Jeric Raval sa social media. Aniya may isang rapper daw na ilang beses siyang kinukulit through private message.

Inilarawan ni Vanessa ang rapper na feeling pogi, na may chicks na bayaran, ngunit may anak na. Kwento pa nito na ang lalaki ay nababash sa kanyang pambababae ngunit ayaw pa rin siyang tigilan sa chat.

Hinuha agad ng maraming netizens ay si Skusta Clee o Daryl Borja Ruiz sa tunay na buhay ang pinapatamaan ni Vanessa.

Kaya naman, sa kanyang Facebook post ay inalmahan ni Skusta Clee ang isyung ito. Hinamon niya si Vanessa na pangalanan kung sino nga ba talaga ang kanyang kausap.

“Ms. Vanessa Raval, I have seen your posts circulating online and netizens have been linking them to me. To be fair to everyone– meaning you, me, and ang mga marites ng social media na nakaabang, paki reveal nga kung sinong ka chat mo dyan? I’ll be waiting,” saad ni Skusta

Sinundan pa niya ito ng “Pag wala nang choice pangalan ko na gagamitin ‍aasim nyo uy”

Ini-screenshot naman ito ni Vanessa at sinagot din ang pahayag ni Skusta.

Ani ng dalaga, “Pre, Hindi nga Ikaw yon. Hindi ako pwede mag name drop Alam nyo naman sa pilipinas Kapag nag name drop ka sa social media khit Ikaw tama,?Ikaw parin kaksuhan.Sino paba?”

Sa kasunod pa niyang post saad ni Vanessa, “Hoy Hindi si skusta yan. Hindi ako nag name drop. LOL Basta Sana nag focus nalang sya sa anak nya. Or bago nyang bayaran na jowa.”

Sa kabila nito, kumbinsido ang mga netizen na si Skusta ang binabanggit ni Vanessa, batay na rin sa mga clue na kanyang ibinigay.

Toni Fowler nakatanggap ng 32-million worth of life insurance mula sa nobyong si Vince Flores

Celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde engaged na!