in

Simpleng kasalan, simpleng kasuotan, Angel Locsin lubos ang kasiyahan sa pagiisang dibdib nila ni Neil Arce

Mababanaag ang sobrang kasiyahan sa naganap na kasalan nina Neil Arce at Angel Locsin.

Kahit ang pandemya o lockdown ay hindi napigilan ang pagpapakasal nina Angel at Neil.

Dahil sakto sa ikalawang araw ng implemented ECQ sa NCR ay idinaos ang civil wedding ng dalawa.

Ikinasal ang dalawa sa isang civil wedding ceremony na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Ang pang-gulat na anunsiyo ang laman ng kanilang latest vlog sa kanilang  “The Angel and Neil Channel” sa YouTube na in-upload lamang kagabi, August 7. Tinawag nilang “Lipat Bahay Gang” ang nasabing vlog entry.

At kaya naman pala lipat-bahay ay dahil pasakalye lang ito sa talagang highlight ng vlog nila, which is ang announcement nila sa dulo na: “Oh, by the way… since filming this vlog, we decided not to wait and just do it.

“We Got Married!”

At kasunod nito, ibinahagi rin nila ang ilang larawan na kuha sa mismong civil wedding ceremony nila.

Parehong nakasuot lang ng white coat sina Angel at Neil at naka-black pants at parehong naka-sneakers lang.

Ayon sa event planner na La Belle Fête, nais ng celebrity couple ay “things simple, nothing pretentious, warm, welcoming, not too feminine, raw, and real.”

At ito nga ang naganap, napakasimple pero kitang kita sa kanilang mga mata ang lubos na kasiyahan.

Ayon pa kay Angel ang mga litrato sa kanilang kasal ay kinunan “sa parking lot sa may tabing bahay.”

Ang dream wedding talaga ng aktres ay yung masaya lamang at hindi sila ilang gumalaw.

At ito nga ang nangyari sa kanilang simpleng civil wedding.

November pa last year sana ikakasal ang dalawa ngunit ilang beses napostpone dahil sa pandemya.

Ivana Alawi napangaralan ng kaniyang pamilya dahil sa pagbili ng mamahaling sasakyan

Dimples Romana naging emosyonal sa pagsaksi sa kasalang Angel Locsin at Neil Arce