in

Silipin Ang Resthouse Business Ni Chito Miranda at Neri Naig!

Ipinasilip ni Chito Miranda ang napakalaki at napakagandang rest house nila ni Neri Naig!

Kilala ang mag-asawa sa kanilang simpleng pamumuhay pero business minded.

Habang si Neri ay may sariling tanim sa kanilang bakuran, mayroon din naman silang Rest House na pwede marentahan ng publiko.

Sa YouTube vlog ng bokalista, ipinakita niya ang kanilang malaking rest house sa Tagaytay.

Unang makikita ang kanyang basketball court na napaka lawak din.

Ayon kay Chito, mayroong 4 na kwarto sa kabuuan ng bahay.

Ang unang kwarto at up and down. Sa baba ay may sala set kasama na ang sofa, may refrigerator din at initan ng tubig. Mayroon din built in cabinet na pwede pa lagyan ng ibang gamit.

Habang ang taas may sofa bed, vanity mirror at coffe table na may access sa tanawin naman sa labas.

Sa room 2 naman, may bunk beds agad agad na makikita, may centralized aircon at sofa. Sa taas naman ay may dalawa pang kama. Tinatawag nila itong Groom’s Barkada room.

Habang ang room 3 naman ay para sa Bride’s Barkada room. Katulad ng room 2, mayroon din itong bunk beds at dalawa pang kama sa taas.

Sa labas, mayroon silang tree house, hindi din mawawala ang swimming pool at playground para sa mga bata na may swing at slide.

Mayroon ding f!re pit para sa mga gusto mag overnight swimming.

Ang room 4 naman ay ang Bride’s room na makikita malapit sa Pavilion.

Ang pinaka espesyal naman ay ang Pavilion mismo na pwede sa kahit anong okasyon. Multi purpose hall ito na pwede sa kasal, binyag, birthday at ano pa.

Narito ang full vlog:

TIGNAN: Mamahaling Bag Collection Ni Kim Chiu Pinasilip Sa Fans!

Mario Maurer, Gusto Jowain Si Liza Soberano At Tropahin Naman Si Bea Alonzo!