in

Silipin ang mala-fairy tale na pamumuhay ngayon ng dating aktres na si Jewel Mische

Tila buhay prinsesa na ngayon ang dating aktres na si Jewel Mische.

Naalala niyo pa ba ang aktres na si Jewel Mische? Siya ay isa sa mga naging miyembro ng talent search na Starstruck at tinaguriang Ultimate Sweetheart ng GMA-7 network.

Ito ang nagbigay daan upang makilala siya sa industriya ng showbiz.

Nakilala din siya sa mga palabas katulad ng Kamandag, Paraiso, at 100 Days in Heaven.

Sa gitna ng kanyang kasikatan ay iniwan ni Jewel ang bu’hay artista.

Nagdesisyon siyang manirahan sa Amerika kung saan nakilala niya ang kanyang asawang si Alister Kurzer.

Sina Jewel at Alister ay ikinasal sa Michigan, USA nung February 28, 2015.

Matapos ma-engage noong December 2013.

At itong July 12, 2018 ay binayayaan na sila ng babaeng anak na ang pangalan ay Asiah Rose.

Nasundan naman ito last year at isang pretty baby girl muli na si Emerald .

Hiyang sa bu’hay may pamilya si Jewel, She is actually living her dreams.

Bukod sa guwapo at godly ang kanyang asawa, may stable pa itong trabaho as “designer of future cars.”

In fact, naka-pundar na ito ng sariling bahay bago pa man sila nagka-kilala. Pero dahil love na love siya nito, ay binili din nito ang kina-in love-an niyang mala-castle na bahay in the middle of the woods na tinawag nilang Rosewood Castle.

Kahit wala na sa showbiz, nasusubaybayan pa rin siya ng kanyang mga taga-hanga sa pamamagitan ng kanyang posts sa Instagram.

Karamihan sa mga posts ni Jewel ay kasama ang kanyang asawa sa pamamasyal sa iba’t-ibang lugar.

Tunay na mapapansin sa kanyang litrato kung gaano siya kasaya sa kanyang bu’hay ngayon kasama ang kanyang pamilya.

Bago napangasawa ni Jewel si Alister ay naka-relasyon nito ang dalawang actor na sina Richard Gutierrez at Jason Abalos.

Ivana Alawi inalala ang pangyayaring sinigaw-sigawan siya ng isang batikang TV host

Tindero ng balut sa Cavite nakatanggap ng brand new na motorsiklo galing sa kanyang mga suki