in

Sikat na vlogger na si Kim Whamos Cruz proud na ipinakilala sa madla ang kanyang girlfriend

Tila nahanap na ng sikat na vlogger na si Kim Whamos Cruz ang kanyang true love.

Isa si Whamos sa kinagigiliwang internet personality. Ang kanyang mga nakakatuwang video ay laging trending sa social media.

Una siyang nakilala dahil sa kakatwang mga videos niya at tumatak sa mga netizens ang kanyang itsura.

Matatandaan na sumali si Whamos sa Philippine idol last 2019 at talagang napatawa c Moira Dela Torre at humanga sa pagiging kwela nito.

At magmula noon ay sumikat na nga siya sa social media. Marami na din ang naging taga subaybay ni Whamos.

Iba’t-ibang video parody na din ang kanyang ginawa na talagang patok na patok sa mga netizens. Kaya naman mas lalo siyang minahal ng kanyang mga fans.

Dahil anila, good vibes ang laging hatid ni Whamos. Tuwing may ginagawa siyang video ay humahakot ito ng napakaraming views.

At kamakailan nga lamang, isang masayang pangyayari sa kanyang buhay pag-ibig ang proud na ibinahagi ni Whamos.

Sa kanyang social media post, isang video ang ibinahagi ng sikat na vlogger. Kung saan makikita na nakamtan na niya ang matamis na oo ng kanyang sinisinta.

“THE DAY SHE ANSWERED(07/06/21)” maikling caption ni Whamos sa kanyang video.

Sa nasabing video ay naghanda si Whamos ng surpresa sa kanyang nobya na ngayon na si Antonette Gail Del Rosario.

Punong puno ng mga rose petals ang kanyang kwarto at may nakadesign na tanong na, Will You Be My Girlfriend?”

Sobrang kasiyahan naman ang masisilayan kay Whamos ng YES ang isagot ni Antonette sa kanya.

At magmula noon ay panay sweet photos na nila ang ibinabahagi ng magkasintahan sa kanilang Facebook page.

Marming fans naman ni Whamos ang naging masaya na natagpuan na niya ang kanyang true love.

Mapapanood dito ang kanilang video:

Shara Chavez may resbak sa naging pahayag ni Jovit Baldivino tungkol sa nais nitong makuha ang kostudiya ng anak nila

Controversial couple na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada nag-celebrate ng kanilang third monthsary