in

Sikat na vlogger na si Bretman Rock ipinasilip ang kanyang napakagandang mansyon sa Hawaii

Ipinasilip ng sikat na Influencer na si Bretman Rock ang kanyang mansyon sa Hawaii.

Si Bretman ay nakilala bilang isang beauty influencer.

Ang kanyang mga video sa YouTube ay laging umaani ng napakaraming views.

Marami ring Pinoy ang umiidolo sa kanya, sa katunayan ay mayroon na siyang halos 40 million followers sa social media.

Ibinahagi niya noon na nagsimula siya sa pagpost ng kanyang mga make-up tutorials sa YouTube.

At hindi niya inasahan na tatangkilikin ito ng milyon-milyon niyang taga suporta.

At dahil nga dito ay nakapagpatayo na siya ng tila isang mansyon sa Hawaii kung saan siya namamalagi kasama ang pamilya.

Ipinanganak si Bretman dito sa bansa at nang walaong taon na siya ay lumipat na sila ng Hawaii.

Sa kanyang latest video nga ay ipinasilip niya sa kanyang mga fans ang kabuuan nito.

Na talaga namang nagpamangha sa nakararami.

Sinimulan ni Bretman ang kanyang video sa pagpapakita ng AD kung saan kalakip ang kanyang formal living room.

Na inilarawan niyang nagpapakita daw ng aniyang personalidad. “Random, it’s very colorful, and it’s very gay,” saad nito.

Saad pa niya, kahit nasa Hawaii daw siya ay isa pa din siyang Pinoy kaya naman marami din siyang kagamitan mula sa Pinas.

Isa na nga dito ay ang Bloom chair na gawa ng multi-awarded Cebuano designer na si Kenneth Cobonpue.

Ito raw ang pinkapaborito niyang upuan sa kanilang mansyon.

Kapansin pansin din ang unique na design ng kanyang living room na may live terrarium.

Na mayroong neon lights at mababasa ang katagang “Da Baddest.”

Ipinasilip din ni Bretman ang iba pang bahagi ng kanilang mansyon, ang dining room, office, kitchen, attic, production room.

Pati na din ang beauty room kung saan nakalagak ang lahat ng kanyang make-up.

Narito ang kabuuan ng kanyang house tour:

Pokwang bukas ang tahanan para kay Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin

Makatapos ang 20 years na pagsasama, Ina Raymundo inaming hindi na malambing ang kanyang asawa