in

Sharon Cuneta, Sinuportahan si Jinkee Pacquiao Laban sa Mga Bashers ng Kanyang OOTD

Sharon Cuneta, ipinakita ang kanyang suporta sa asawa ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao.

Matapos ang naging laban ng People’s Champ Manny Pacquiao laban sa Cuban boxer na si Ugas, umani din ng maraming komento ang kanyang asawa.

Bukod kasi sa pagkatako ni Manny, madami din ang nakapansin sa naging Outfit Of The Day o OOTD ni Jinkee noong araw na iyon.

Ang kanyang all pink OOTD, ayon sa report, ay nagkakahalaga ng higit Php 2,000,000. Bagama’t madaming napa wow sa kanyang kasuotan, mas madami pa din ang nag bigay ng negatibong komento.

Hinaing ng mga netizens, insensitive daw umano si Jinkee para mag suot ng ganitong kamahal na kasuotan ngayon dahil madami pa din daw ang naghihirap sa pandemya.

Sa kabilang handa, ipinagtanggol naman ng aktres-singer na si Sharon Cuneta si Jinkee.

Nag komento ang Mega Star sa YouTube vlog ni Jinkee kung saan nag bigay siya ng tour sa kanilang private beach resort.

Komento ni Ate Shawie, “You worked hard for everything you have. People know your story.”

“So don’t allow anyone to make you feel guilty about showing your life or your things. Because this your life now.”

Maui Taylor, Dedma sa Bulgarang Tanong ng Male Fan, Sinagot Pa ng Derechahan!

Kilalanin si Lea Dumortier ang French-Taiwanese TikToker na look-alike ni Marian Rivera