in

Shara Chavez may resbak sa naging pahayag ni Jovit Baldivino tungkol sa nais nitong makuha ang kostudiya ng anak nila

Sinagot ni Shara Chavez ang mga natanggap niyang paratang galing sa dating partner na si Jovit Baldivino.

Kamakailan lang ay isang mahabang Facebook post ang ibinahagi ni Jovit. Kung saan ipinahayag ng singer na nais niyang makuha ang custody sa kanilang anak.

Giit ng “Pilipinas Got Talent” grand winner, may karapatan din siya bilang ama sa kaniyang anak na 5 taong gulang na ngayon.

“Ang sa akin lang po eh ’yung makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama, kasi matagal na n’ya itinatago sa akin s’yempre bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko. ’Yung pamilya ko nga nalulungkot ’pag hindi nakita ang pamangkin at apo,” saad ni Jovit.

Hindi naman nagustuhan ni Shara ang mga binitiwang salita ng dating partner kaya talagang matapang nitong sinagot ang mga patutsada sa kanya ni Jovit.

Hindi ito pinalagpas ni Shara at bumwelta na hindi man lang daw ito nag-sustento sa kanilang anak.

Sumagot si Shara sa pamamagitan din ng FB at dito nga niya sinabi na hindi totoo ang mga paratang sa kanya.

Depensa ni Shara, hindi totoong nanloko siya ng investors sa kanyang negosyong beauty brand.

Kasunod nito, binuweltahan din ni Shara si Jovit, “At para sayo, Mr. Jovit Baldivino. Ang saya mo siguro. Sabi mo nga matagal tayo wala koneksyon at komunikasyon e bakit parang magsalita ka ngayon alam mo yung nangyayari? Gumatong ka pa sa problema na wala ka naman kaalam alam.

“Labas kana sana pero nilagay mo issue pabalik sayo. Dinamay mo na naman ang Diyos. Chance mo ba to na baka magkaka gig ka? Di kpa rin nagbabago.

“Paano mo ba malalaman e sa limang taon na nabubuhay ang anak ko, HINDI KA NAMAN NAGSUSTENTO. NEVER KITANG HININGAN KASI KAYA KO.

Anong masasabi mo rito?

Jessy Mendiola ipinasilip sa madla ang napakalawak na farm na pagmamay-ari ni Vilma Santos sa Lipa Batangas

Sikat na vlogger na si Kim Whamos Cruz proud na ipinakilala sa madla ang kanyang girlfriend