in

Sanya Lopez sinabing gusto niyang maging Yaya ni Alden Richards sa totoong buhay

Aminado ang Kapuso actress na si Sanya Lopez na nais niyang maging Yaya ni Alden Richards sa tunay na buhay.

Isa si Alden sa mga aktor na pangarap ni Sanya na makatrabaho sa isang proyekto. Kaya kung mabibigyan umano ng pagkakataon ay susunggaban niya agad ito.

Sa ngayon ay isa sa sikat na leading lady ng Kapuso Network si Sanya. Siya ang bida sa seryeng ‘First Yaya’

Sa isang presscon, natanong si Sanya tungkol sa kanyang love life. Inamin naman nito na siya No Boyfriend Since Birth o NBSB.

Ang inili-link naman sa kanya ngayon ay si Alden Richards.

Sabi ni Sanya sa nasabing panayam, pagkatapos ng announcement na siya na ang lead star ng First Yaya, gusto niyang maging yaya ni Alden.

At kahit pa nga sa totoong buhay ay pagsisilbihan umano niya ang aktor. Willing daw ang dalaga na maging personal Yaya ni Alden.

Matatandaan na naging malapit ang pangalan ng dalawa ng dahil sa Totropahin o Jojowain challenge. Pinili kasi ni Sanya na Jojowain umano niya si Alden dahil hinahangaan niya talaga ito.

Saad naman ng mga netizens ay bagay naman daw ang dalawa . At pareho naman silang single kaya wala namang problema kung sakaling sila ay magkamabutihan.

Carla Abellana ni-like ang comment ng isang netizen na tinawag na ch3ater si Tom Rodriguez

Joshua Garcia nag react sa pagiging viral ng kanyang kinainan sa Bulacan!