in

Sandara Park sinama ang koreanong kaibigan na mamalengke at kumain ng Pinoy Food sa Philippines Market in Korea

Pinay at heart pa rin talaga ang sikat na ngayon na Korean star na si Sandara Park.

Sa ilang taong pamamalagi ni Sandara sa Pilipinas talagang naisapuso na niya ang pagiging Filipino.

Kung saan nagsimula ang kanyang showbiz career, nang sumali sa Star Circle Quest.

Kamakailan nga lamang ay dinalaw ni Dara ang Philippines market sa Korea.

Na naging content niya para sa kanyang vlog sa kanyang YouTube channel na DARA TV.

Dito ay ipinakita niya ang ginawang paglilibot sa nasabing Pinoy store kung saan mabibili ang mga classic Filipino dishes.

Ibinida ng Korean star ang mga Filipino food and condiments na paborito n’ya kagaya ng Mang Tomas All-Purpose Sauce na “national sauce” daw ng mga Pinoy dahil bagay ito sa pork o sa chicken.

Ilan pa sa mga nagustuhan ni Dara ay ang corned beef at tocino na aniya’y miss na miss na niyang kainin.

Makikita rin sa kanyang vlog ang ilang Pinay na nasa lugar, kabilang na ang mga nagbabantay sa mga tindahan doon.

At nagtatanungan kung si Sandara nga ba ang naka-mask na “lady in pink.”

Nu’ng una, inakala ng mga tinderang Pinay na hawig lang ni Dara ang Koreana sa harap nila.

Hindi sure ang mga tindera kung ang nasa harap nila ay si Sandara na sumikat sa Pilipinas mula pa noong 2004 via the talent search na Star Circle Quest at kalaunan ay binansagang Pambansang Krung-Krung.

Nang marinig ni Sandara na siya na ang pinag-uusapan ng mga Pinoy na naroon, nagpakilala na siya sa mga ito.

At game na game na nakipag-selfie sa fans.

Kumain din doon ang singer-actress at isa sa mga nilafang niya nang bongga ay ang spaghetting Pinoy na masarsa.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

 

Trina Candaza ibinahagi ang masayang bakasyon nila ni Carlo Aquino kasama ang kanilang baby sa Bohol

Pokwang inalala ang buhay tindera niya sa Antipolo noong bata pa lamang siya