in

Sam Pinto At Anthony Semerad, Pinagbubuntis Na Ang Kanilang Unang Anak!

Soon to be pretty mommy and handsome daddy!

Ito ang siguradong tawag sa celebrity couple na ito dahil magkakaroon na sila ng panganay na anak!

Sina Sam Pinto at Anthony Semerad ay masayang ibinahagi ang kanilang new chapter.

Nito lamang May 5, proud na nagbahagi ang bagong kasal ng kanilang pictures kasama na ang sonogram at growing baby bump ng aktres.

“We are beyond excited to share with you all that WE ARE PREGNANT. Our hearts our full and feeling blessed. We honestly couldn’t be happier and excited for our greatest adventure yet!” ang masayang caption ng soon to be mommy.

Si Sam ay nakilala sa modeling at nang sumali siya sa reality show ng ABS-CBN Pinoy Big Brother. Habang si Anthony naman ay kilala bilang professional basketball player.

Kaya hindi makakaila na ang kanilang magiging baby ay future artistahin o future sporty din.

Madami naman ang nagalak sa anunsyong ito ng mag-asawa. Sa wakas, magkakaroon na ng mini Sam o mini Anthony!

Sa kabilang banda, hindi naman nagpahuli ang proud future dad sa kanyang Instagram post.

“I’m gonna be a Dad! Excited for this next chapter of our lives @sampinto_,” turan ng professional basketball player.

Nito lamang March, binitawan ng dalawa ang kanilang wedding vows sa isa’t-isa sa pamamagitan ng civil wedding ceremony na ginanap naman sa Conrad Manila sa Pasay City.

Sa ngayon, madami sa kanilang kaibigan at pamilya ang excited nang makita ang kanilang first baby!

Congratulations, Sam and Anthony!

Diego Loyzaga at Barbie Imperial, pinakilig ang kanilang mga fans sa palitan nila ng sweet messages

Birthday Photoshoot Ni Camille Trinidad, Bongga Sa Mga Netizens!