in

Sa tulong ni Rabiya Mateo, Zeinab Harake 200 thousand pesos ang naipamigay sa maswerte niyang avid fan

Muli na namang namahagi ng blessings ang sikat na vlogger na si Zeinab Harake.

Tuloy tuloy nga ang pamimigay ni Zeinab ng maagang pamasko sa kanyang nga avid fans. Sa pamamagitan ng episode sa kanyang vlog na ‘Santa Zebby’

Kada episode ay isang avid fan na nag-email kay Zeinab ang maswerteng mapipili na matupad ang kanilang kahilingan.

Noong una ay si Luis Manzano ang kanyang nakasma at 76,000 pesos ang kanilang naipamahagi.

Sumunod naman ay si Kim Chiu at 100K naman ang naging premyo ng maswerteng fan.

Sinundan ito ni Andrea Brillantes, ng grupong OC Dawgs, at pati na rin ng Beks Battalion.

Pareparehas ang tema ng content, kung saan ang mga guest ang maglalaro at ang mapapanalunan ay mapupunta sa napiling fan.

At sa latest episode naman ng ‘Santa Zebby’  ay si Miss U Philippines Rabiya Mateo naman ang guest ni Zeinab.

Naglaro sila ng beer pong at ang makukuhang premyo ay mapupunta sa isang pamilya. Na ang kahilingan ay maipagawa ang kanilang bahay.

Sa bawat shoot ng bola sa baso ay may kalakip na halaga ito. Within 5 minutes kung ilan ang nakayanan ni Rabiya na ishoot ay iyon ang magiging premyo.

Bago magumpisa ang game hiling ni Rabiya na mashoot niya lahat ng bola upang malakibraw ang maiuwing premyo ng napiling pamilya.

Humirit pa nga ang beauty queen na sana ay ipagdasal siya na magawa niya ng maayos ang challenge.

Sa huli ay total of 191 thousand pesos ang lahat ng naishoot na bola ni Rabiya. Plus automatic 10K pa mula kay Zeinab.

Kaya naman 201 thousand pesos ang kabuuan ng maiuuwi ng maswerteng avid fan ni Zeinab.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga ito dahil matutupad na ang kanilang matagal ng kahilingan na mapagawa ang kanilang bahay.

Narito ang kabuuan ng video:

Kris Aquino ibinunyag na 2Million pesos ang ibinigay ni Angel Locsin para sa mga naapektuhan ni Odette

Pag-crop ni Luis Manzano sa mukha ni Alex Gonzaga sa isang litrato ikinawindang ni Jessy Mendiola