in

Sa kanyang latest vlog, Ivana Alawi sinagot ang mga pangbabatikos na ipinukol sa kanya ng mga bashers

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Ivana Alawi sa mga mean comments na kanyang natatanggap mula sa mga bashers.

Alam naman natin kung gaano katotoong tao ang isang Ivana Alawi.

Siya ang tipong madalas mag-post ng mga se’xy pictures pero hindi siya sumikat sa pagva-vlog dahil lang dito.

Kundi ang pagiging genuine niya at pagiging likas na mabait ang minahal ng kanyang mga tagahanga.

Pero dahil din sa kasikatan niya kahit wala siyang ginagawang masama ay marami pa rin siyang bashers.

Kahit na nagpapasaya lang si Ivana sa pamamagitan ng pagva-vlog ay kung anu-ano pa ring panghuhusga at panglalait ang binabato sa kanya ng mga ito.

Kaya naman sa latest vlog ng dalaga, sinagot niya ang ilang mean comments mula sa kanyang mga bashers.

Binasa niya isa-isa ang mga ito habang siya ay nagmu-mukbang kasama ang bunsong kapatid na si Mona.

Ito ang ilan sa mga binasa at sinagot ni Ivana:

Netizen: “Mukhang panget ‘to ‘pag walang makeup.”
Ivana: “I love myself. Wala akong magagawa sa’yo, day! Kung ito pangit sa’yo, okay.”

Netizen: “Maganda katawan mo pero ‘di kagandahan mukha mo.”
Ivana: “Thank you! At least, maganda ang katawan ko. I love you, you’re so sweet.”

Netizen: “Nagdamit ka pa? Maghubad ka nalang, b0ld star!”
Ivana: “Ang b0ld star ay ‘yung nagpapakita ng ano… Ako nagpapakita lang ako ng pu’wet tsaka bra. Naka-panty at bra ako, so hindi ako naghuhubad ng panty at bra. Masaya lang ako kapag nagbi-bikini, iba kasi talaga kapag nag-b0ld ka.”

Netizen: “Hindi lahat bagay sa’yo!”
Ivana: “Kung lahat bagay sa akin, e ‘di wala nang natira sa’yo.”

Saad pa ni Ivana mas mahalaga pa rin sa kanya ang sinasabi ng kanyang pamilya at mga totoong kaibigan na laging nakasuporta sa mga ginagawa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Derek Ramsay gumanti sa fiancé na si Ellen Adarna, tinakot ang aktres sa butiki

Exclusive interview nina Coco Martin at Julia Montes kay MJ Felipe kinakikiligan ngayon ng CocoJuls fans