in

Sa gitna ng moving on stage, LJ Reyes namataan na nag-eenjoy sa New York Fashion Week

Mukhang unti-unti ng bumabangon sa pagkalugmok ang Kapuso actress na si LJ Reyes.

Nakaraang Linggo lamang ay binalot ng kontrbersiya si LJ. Matapos niyang kumpirmahin ang hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis.

Sa kanyang panayam sa digital talk show ni Boy Abunda ay isiniwalat ng aktres ang kanyang mga pinagdadaanan.

Sa tanong kung sino ang humiwalay sa kanila ni Paolo, sinagot ito ni LJ na. “Tito Boy kasi, matagal ko ng nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”

Sa isang parte ng kanilang panayam, inamin din ni LJ. Na noong last week pa ng August siya lumipad patungong New York.

Kasama niya ang dalawang anak na sina Akie at Summer. Dual citizen si LJ kaya madali para rito na makaalis ng bansa kahit na may pandemic. Nasa U.S. din ang kanyang ina at kapatid.

At ilang linggo na nga ang nakakalipas, tila ine-enjoy na ni LJ ang bagong simula ng kanayang buhay.

Ito ay ng mamataan ang aktres sa New York Fashion Week (NYFW) nitong nakaraang Biyernes September 10 (September 11 sa Pilipinas).

Makikita sa My Story ng Instagram ni LJ na mukhang masaya siya dahil unang beses niyang makadalo sa naturang show.

Nagpaka-fangirl pa ito ng makitang rumampa ang international model na si Gigi Hadid.

Ipinost niya ang video ng pagrampa ng sikat na American model.

Caption ni LJ: “Manay Gigi ang ganda mooooo!!!!!! In English, Ms. @gigihadid YOU ARE SOOOOO BEAUTIFUL!!!!”

Sa bawat post ni LJ sa event ay naka-tag ang clothing line at ang Korean makeup brand na sponsor ng event.

Kapansin-pansin din ang pagre-repost sa IG account ng makeup brand ang mga Instagram Story posts ni LJ tungkol sa fashion show.

EXTREME GIRLFRIEND CHALLENGE ni Donnalyn at AJ Raval, Kinakikiligan ng mga Netizens Ngayon!

Yumaong ina ekta-ektaryang lupa ang ipinamana sa kanyang mga naiwan na anak