in

Sa gitna ng kinakasangkutang kontrobersiya, Dawn Chang namigay ng mga damit na karamihan ay bagong bago pa

Hindi alintana ng Kapamilya actress na si Dawn Chang ang kinasasangkutan niyang isyu ngayon at namigay pa ng mga damit.

Sa gitna nga ng kontrobersiya sa pagitan nila ni Cristy Fermin. Mas naging layunin ni Dawn ang makatulong sa kapwa.

Sa kanyang Instagram stories ngayong araw, ibinahagi ni Dawn ang isang larawan. Kung saan makikitang nag-aayos siya ng maraming damit at inilalagay sa kahon.

Ang ilan doon ay mga nagamit niya na ng ilang beses at ang iba naman ay bagong bago pa umano.

Aniya sa photo caption, “Giving away my old clothes.. used them maybe once or twice and some are still brand new!”

Hindi naman nabanggit ng actress dancer kung kanino niya ibibigay o ido-donate ang mga damit.

Sa kasunod naman niyang IG story ay ibinahagi ni Dawn na nasa lock-in taping siya ngayon. Ngunit wala ding ibang detalye kung para saang serye o proyekto ang taping.

Matatandaan, naging laman ng social media si Dawn nitong mga nagdaang araw. Ito ay matapos niya maglabas ng pahayag laban kay Toni Gonzaga.

At dahil dito ay binatikos siya ni Cristy Fermin ang inakusahang nakikipargrelasyon sa mga big boss ng ABS kaya siya nagkakaroon ng trabaho.

Nagbanta naman ang kanyang kampo na idedemanda si Cristy kung hindi ito hihingi ng public apology. Ngunit public apology din ang bwelta ng kampo ni Cristy laban sa abogado ni Dawn.

Aljur Abrenica at AJ Raval spotted na magkasama sa isang hotel ngayong Valentine’s Day

Miss U PH 2021 Beatrice Luigi Gomez ipinakilala na sa publiko ang kanyang bagong kasintahan