in

Sa gitna ng isyung hiwalayan nila ni Tom Rodriguez, Carla Abellana nagpa-tattoo!

Sa gitna ng usapin tungkol sa hiwalayan nila ng mister na si Tom Rodriguez, Carla Abellana nagpalagay ng tattoo.

Ilang linggo din ang lumipas na hindi nakapag-upload ng video si Carla sa kanyang YouTube channel.

Ito ay simula ng lumabas ang isyu na hiwalay na sila diumano ng kanyang asawang si Tom. Matapos lamang ang halos tatlong buwan nang sila ay maikasal.

Ngunit magpasahanggang ngayon ay tikom pa din ang bibig ng Kapuso couple ukol sa usaping ito. Wala pa ni isa sa kanila ang nagpatunay o itinanggi ang bulong bulungan ng marami.

Samantala, isang bagong video na ang inupload ni Carla sa kanyang YouTube channel. Kung saan makikitang siya ay nagpa-tattoo kasama ang kanyang kapatid.

Isang maliit na heart tattoo ang ipinalagay ni Carla sa likuran ng kanyang tenga. Wala namang binanggit ang aktres kung anong meaning nito.

Samantala, sa kabuuan ng vlog ay napansin ng mga manonood na tila hindi na suot ni Carla ang kanyang wedding ring.

Hindi niya din kasama si Tom gayung family gathering ang kanyang pinuntahan sa bahay ng kanyang mommy. At doon na din nga idinaos ang tattoo session.

Kaya naman agad na nagbigay ng kani-kanilang reaksyon ang mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“I am happy that you’re happy but very very sad because you’re not wearing your wedding ring anymore. It pains us so much . Please Carla huwag kayong maghiwalay ni Tom.”

“Idc kahit di niya suot wedding ring niya pero we’re hoping na maayos na nila yung problema nila:( hirap rin kasi maniwala sa mga news eh kaya sila lang ang makakapagsabi ng totoo.”

Panoorin dito ang kabuuan ng vlog ni Carla:

Cristy Fermin pinagtanggol si Angelica Panganiban sa basher na tumawag sa aktres na “starlet”

Ayon kay Ogie Diaz, Diego Loyzaga nasakaI kaya hiniwalayan si Barbie Imperial