in

Sa gitna ng isyu kay Lolit Solis, Mark Herras may simpleng patutsada, ayaw palakihin ang anak sa mga tsismis

Tila ayaw bigyan ng pansin ni Mark Herras ang mga naglalabasang isyu patungkol sa kanya at kay Lolit Solis.

Mainit pa ring usapin magpasa hanggang ngayon ang tungkol sa pangungutang umano ni Mark kay Manay Lolit.

Nag-umpisa ito ng lumabas sa weekly online show kamakailan ni Lolit Solis ang naging usapan umano nila ng kanyang alaga.

Saad ni Manay Lolit tinawagan umano siya ni Mark para mangutang ng thirty thousand pesos.

Pangdadag umano sa pangbili ng pangangailangan ng 6mos. old na anak nila ni Nicole Donesa. Bago pautangin ni Manay Lolit si Mark ay nakatikim muna ito ng sermon sa kanya.

Hanggang sa ikinumpara pa ni Manay Lolit si Mark kay Jennylyn Mercado na kasabayan nito sa Starstruck.

Marami naman ang hindi natuwa sa pagbabahaging ito ni Lolit. At isa nga sa hindi natuwa at naawa kay Mark ay si RR Enriquez.

Sa kanyang Instagram post, diretsahang binatikos ni RR si Manay Lolit dahil sa pagbubulgar nito ng pangungutang ni Mark.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Pero ilang oras lang ang lumipas ay may sagot agad dito si Manay Lolit. Hindi niya pinalagpas ang mga bumatikos sa kanya.

Sa dalawang magkasunod na Instagram post ay isa-isang sinagot ni Lolit ang mga paratang sa kanya.

Pero sa gitna ng ainit na usaping ito, tila wala namang pakealam si Mark Herras dito. Ngunit sa kanyang IG post ay may patutsada ang aktor.

Aniya ayaw niyang palakihin ang anak niya sa tsismis, at ibinahagi pa nito na breastfed ang kanyang anak.

Tila pinasisinungalingan niyang nangutang siya kay Lolit para sa pangbili ng gatas ng kanyang anak.

Narito ang kabuuan ng post ni Mark Herras:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @herrasmarkangeloofficial

RR Enriquez ibinahagi ang pagkakamali, gumastos ng 6million pesos sa pag-order na isang truck ng milk tea

Lyca Gairanod ipinasilip ang naipundar sa kanyang pagba-vlog, sa edad na 16, nakabili na ng pinapangarap na sasakyan