in

Sa gitna ng hiwalayan issue, Kylie Padilla hinangaan ng mga netizens dahil sa pagiging matatag nito

“You are so brave and your such a wonderful woman”

‘Yan ang paglalarawan ng mga netizen sa aktres na si Kylie Padilla.

Ito ay sa gitna ng nangyaring hiwalayan sa pagitan nila ng asawang si Aljur Abrenica.

Sa Facebook post ng isang netizen, ibinhagi nito ang laki ng paghanga niya para kay Kylie.

Aniya bakit umano nagpo-focus ang tao sa mga nasirang pangako ni Aljur at hindi nabibigyang pansin ang katapangan ni Kylie.

Ipinunto rin nito na pagkaguluhan ang pagkakamali bagkus tignan ang good side sa nangyaring hiwalayan.

Ipinaliwanag din ng nasabing netizen ang responsibilidad ng isang lalake or pagiging ina ng babae.

At doon siya humanga sa katapangan ni Kylie, na kahit umano’y nagkalamat ang samahan nilang mag-asawa ay pinili nitong maging mabuting ina.

Kamakailan nga lang din ay tila walang sinisisi si Kylie sa pinatunguhan ng relasyon nila ni Aljur.

Ito ang malamang mensahe ng Kapuso actress sa kanyang Instagram post.

Sinabi ni Kylie na mas nais niyang baunin ang mahalagang aral na kanyang natutunan kaysa manisi ng ibang tao.

Hindi diretsahang sinabi ni Kylie, pero mahihinuhang may kinalaman ang kanyang post sa breakup nila ng mister na si Aljur.

“In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better,” saad sa caption ni Kylie.

Siniguro rin ni Kylie na positibo ang disposisyon niya ngayon. Consistent ito sa mga ibang social media posts nito na inaalagaan niya ang kanyang sarili.

Dagdag niya, “Life is about growth.

“Silence the noise and make the best out of your life.

“Claim it, I’m happy, I’m healthy, I’m alive. I’m hoping the same for you?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Kapuso actress na si Andrea Torres excited ng makatrabaho si John Lloyd Cruz

Jimmy Santos sumabak sa pag-uuling na ibinahagi niya sa kanyang latest vlog sa YouTube