in

Ruffa Gutierrez Balik Eskuwela Matapos Ang 34 Na Taon!

Ruffa Gutierrez, balik eskuwela na!

Malaking bagay talaga ang edukasyon at makapag tapos para sa karamihan. Kaya naman kahit may kaya na sa buhay ay gugustuhin pa din mag-aral.

Katulad na lamang ni Ruffa Gutierrez na nag desisyong mag-aral ulit.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na galing sa mayaman na pamilya si Ruffa. Bukod dito, maging si Ruffa ay madaming achievements sa buhay.

Bago pa siya maging artista, naging beauty queen din si Ruffa at pinatunayan ang angking kagandahan at galing sa beauty pageants.

Nito lamang May 12, masayang ibinahagi ng 46-year-old actress na bumalik siya sa pag-aaral matapos ang 34 na taon.

Ayon sa kanyang post, kasalukuyan siyang naka enroll sa Philippine Women’s University sa kursong Bachelor of Arts Degree majoring in Communication Arts under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

Saad ng beauty queen actress sa kanyang post,

“After 34 years of working in the entertainment industry, I have chosen to further my education. Not only do I want to fulfill a long-held dream and take control of the next chapter of my life, I want to set a good example for my children,” said Ruffa, who has two daughters — Lorin and Venice.

Dagdag pa niya, “I hope you can support me in my new journey.”

Sa comment section, agad naman pinaramdam ng kanyang kambal na kapatid na sina Raymond at Richard Gutierrez ang suporta.

Bukod sa kanila, proud din ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Ruffa.

Mario Maurer, Gusto Jowain Si Liza Soberano At Tropahin Naman Si Bea Alonzo!

“Bagong Laruan” Ni Ion Perez, Excited Na Pinakita Sa Madlang People!