in

Rufa Mae Quinto nagpasalamat kay Heart Evangelista para sa pagtulong nito mabenta ang kanyang luxurious item collection

Rufa Mae Quinto, pinasalamatan si Heart Evangelista sa pag tulong nito sa pagbebenta niya ng kanyang luxurious item collection.

Kagaya ng ilang celebrities, mahilig din mangolekta ng mga mamahaling designer bags at shoes ang Kapuso actress na si Rufa Mae Quinto.

Pero dahil mayroon pa din pandemya, karamihan sa mga ito ay hindi magagamit sa kasalukuyan. Kaya naman nag desisyong mag bawas ng gamit si Rufa.

Isa sa mga naging buyer niya noon ng kanyang pre-loved collectuons ay si Heart Evangelista. Kilala si Heart bilang isang “fashion icon” ng mga netizens.

Trending palagi ang mga Outfit Of The Day o OOTD ng aktres sa kanyang mga social media. Sa isang vlog na kanyang inupload sa kanyang YouTube channel, naibahagi ni Heart ang sandals na binili niya kay Rufa.

Kaya naman sa kanyang Instagram, inalala ni Ruffa kung paano siya tinulungan ng kapwa aktres para mabenta ang kanyang mga pre-loved items noon.

Pagbabahagi niya, “Ikaw Heart huling kasama ko sa Pilipinas before I left for the USA (sino may akala na ‘di na ako makabalik sa Pinas because of lock down and all) you clean (sic) my all my shoes, jewelries and watches, siya din nagpunas isa isa sa shoes ko and she bought some, sold some to her friends.”

Kasalukuyang na sa America si Ruffa at hindi pa makabalik sa Pinas dahil sa pandemya. Namimiss niya na din daw makita ang kanyang mga koleksyon.

 

 

 

8-anyos na bata, tumatayong magulang na sa nakababatang kapatid at tagapag alaga sa ina na may sakit

Kris Bernal nagmistulang prinsesa sa kanyang wedding gown na gawa ng sikat na designer na si Mak Tumang!