in

Rufa Mae Quinto ibinahagi ang hirap na pinagdaanan ng mamuhay siya sa Amerika

Aminado si Rufa Mae Quinto na nahirapan siya mag-adjust nang manirahan na siya sa Amerika.

Naging guest si Rufa Mae sa “Tunay Na Buhay” at nakapanayam siya ng host na si Pia Arcanghel.

Dito ay ibnahagi ng komedyante ang kanyang naging bu’hay sa US.

Napag-usapan din nila ang mga pagsubok na pinagdaanan niya habang nag-aadjust pa lang siya sa kanyang bagong bu’hay.

Inamin n’yang umiiyak s’ya noong nag-a-adjust pa s’ya sa buhay-Amerika at ngayon nga ay nami-miss na daw n’ya ang buhay-showbiz sa Pilipinas.

“Oo, miss na miss ko talaga, grabe”. “Tuwing naghuhugas ako ng plato, sasabihin ko, ‘After everything I’ve done, sumikat ako sa Philippines, nakapagpundar… Ito lang ba ang bagsak ko? Maghugas ng plato?’ saad ni Rufa Mae.

Dagdag pa niya, “Hirap na hirap ako nu’ng una. Umiiyak-iyak pa ako”. “End of the world na para sa akin nu’ng una ako dito.”

Ayon naman kay Rufa Mae nakapag-adjust na daw s’ya at nag-e-enjoy na ngayon sa mga gawaing bahay at pagba-vlog doon kasama ang Fil-Am n’yang mister na si Trevor Magallanes at daughter nilang si Alexandria Athena.

“Ngayon naman na-adjust ko na… Sabi ko, okey na rin to. Nakikita ng anak ko yong tunay na buhay, di ba?”

Sinabi din ng aktres na siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay kaya wala na siyang oras sa kung ano-ano pa.

K’wento pa n’ya, dalawang linggo lang daw talaga dapat ang itatagal n’ya sa US noong 2020 dahil may gagawin s’yang project dito sa Pilipinas pero inabutan na s’ya doon ng lockdown kaya na-extend na ang pagi-stay n’ya nang tuluyan.

Plano niyang bumalik ng Pilipinas ngayong taon para asikasuhin ang ilang personal na bagay na hindi na niya nagawa simula noong ma-lockdown sila sa Amerika.

Julia Barretto social distancing muna sa kasintahang si Gerald Anderson

Bea Alonzo limang araw nagpalibre kay John Lloyd Cruz sa Dubai!