in

RR Enriquez ipinagtanggol si Toni Gonzaga laban kay Dawn Chang!

RR Enriquez, ipinagtanggol si Toni Gonzaga laban kay Dawn Chang!

To the rescue ang former host actress na si RR sa kanyang kapwa host na si Toni.

Nakatanggap kasi ng maiinit na komento si Toni nang mag host siya sa UniTeam nila Bongbong Marcos kung saan isa sa mga kasali sa kanyang kampo ay isa sa mga nag deny ng ABS-CBN franchise renewal.

Kasabay nito, nag resign na din bilang host ng Pinoy Big Brother si Toni kahapon na kanyang ipinaalam sa kanyang opisyal na Instagram post. Dahil dito, marami ang nag react at isa na nga dito ay ang kapwa aktress na si Dawn Chang.

Sa kanyang Instagram, direktang nagpahayag si Dawn ng kanyang saloobin sa naging desisyon ni Toni.

“I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga,” parte ng mensahe ni Dawn at kinuwestyon pa ang huli.

Sa kabilang banda, may netizen naman na inudyukan si RR na “makisawsaw” sa naging komento ni Dawn.

Nag post naman si RR kaagad tungkol dito at ipinagtanggol si Toni.

I just believed that Toni stood up to what she believes in,” bungad nito. Punto niya, kung si Dawn nga ay may karapatan sa kanyang pinaninindigan, ganoon din daw si Toni.

Basahin ang buong komento ni RR dito:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Kakai Bautista nanggalaiti sa MERALCO nang makatanggap ng disconnection notice

Toni Gonzaga sasagipin ng mga Villar, balitang lilipat na din sa AMBS Network ng mga ito