in

RR Enriquez ibinahagi ang pagkakamali, gumastos ng 6million pesos sa pag-order na isang truck ng milk tea

Ibinahagi ni RR Enriquez ang nagawa niyang pagkakamali bilang isang negosyante.

Isang bagay na napakahirap sa pagnenegosyo ay wala itong kasiguraduhan na maganda ang magiging takbo nito.

Subalit marami pa rin ang pinapasok ang pagnenegosyo upang mas umasenso sa buhay kahit na malaki ang tyansang malugi ito.

Katulad na lamang ng artista at dating game show host na si si RR Enriquez na kamakailan lamang ay ibinahagi ang kaniyang pagkakamali bilang isang negosyante dahil sa pagbili ng libu-libong kahon ng milktea.

Ibinahagi niya na nag-order siya ng maraming stocks ng milk tea dahil inakala niyang magiging mabenta din ito. Kagaya ng kanyang binibentang kape na palagi umanong nagkakaubusan.

“I ordered 50 thousand pieces of Milk tea which cost me 6 million pesos. Yes not bragging I’m just being honest lang because I want to share with all of you the mistakes that I made during this pandemic… Natakot kasi ako na maubusan. Dahil 2 months bago madeliver ang products.”

Umabot sa 6 na milyong piso ang halaga ng kanyang nabiling milk tea. Gayunpaman, naisip niyang hindi pa rin naman siya nalugi dahil maari pa rin naman iyon mabenta kahit hindi kasing bilis ng iba niyang produkto.

Payo niya sa mga sumusubok na magnegosyo, huwag kumuha kaagad ng maraming stocks at sumubok muna ng paunti-unti.

Paglilinaw niya pa, mabenta naman umano ang milk tea ngunit hindi lang kasinglakas ng bentahan sa kanyang kape.

“Correction, mabenta naman sya and sure ako mauubos ito pero need ko maghintay. Unlike sa coffee na pag-deliver sa akin ubos agad,” saad ni RR.

Hindi aniya siya nagyayabang, pero layunin lamang ng pagbahagi ng kanyang pagkakamali ay para magsilbing aral sa mga nagpaplanong mag-negosyo na huwag pabigla-bigla sa ilalabas na pera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Rhian Ramos pina-wow ang mga netizens, litrato niyang kuha sa Paris nagmistulang super model

Sa gitna ng isyu kay Lolit Solis, Mark Herras may simpleng patutsada, ayaw palakihin ang anak sa mga tsismis