in

RR Enriquez, Duda sa “As a friend” na Dahilan ni Paolo Contis Kay Yen Santos!

Trending ngayon sa social media ang “as a friend” ni Paolo Contis.

Matapos ang ilang araw na sunod sunod na bato ng kontrobersiya sa aktor, nagsalita na ito kaugnay ng issue sa kanyang Instagram account.

Dito, inisa-isa ni Paolo ang mga paratang at issue na kinasasangkutan niya. Isa sa mga naging punto ng former child star ay si Yen Santos.

Pagkatapos kasi mag viral ang mga latawan umano nilang dalawa sa Baguio, sunod sunod din ang pangbabash na natanggap ng aktres.

Pero ayon kay Paolo, pumunta daw doon an kanyang co-star sa A Faraway Land “as a friend.” Inanyayahan daw niya si Yen dahil bandang North lang din naman daw ang aktres.

Sa kabilang banda, inamin naman niya ang kanyang mga pagkakamali sa asawang si LJ Reyes at humingi ito ng tawad.

Pero tila hindi kumbinsido at duda pa din si RR Enriquez sa part na “as a friend” niya kay Yen.

Sa kanyang Instagram, nag post ang aktres tungkol sa issue. Hanga daw siya sa pag amin ng aktor sa kanyang pagkakamali. Pero duda daw siya sa friendship ni Paolo at Yen.

Ayon sa dating aktres, hindi daw bibiyahe ng limang oras ang babae para lang mag bigay ng advice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

“At hindi kami basta basta umaangkla sa lalaking kasamain namin if hindi namin gusto or karelasyon ha,” giit ni RR.

Punto niya, hindi daw basta basta sasama ang babae kung wala daw itong gusto sa lalaki na sasamahan niya.

Tara, Baguio tayo “as a friend”?

Vilma Santos ibinahagi ang kanyang unang reaksyon ng isinilang ang anak na si Luis Manzano “parang malaking daga”

“Destiny” Lola ni Dominic Roque malaki ang pagkakahawig kay Bea Alonzo noong kabataan nito