in

Rommel Padilla ipinasilip sa madla ang napakalawak niyang palayan sa Nueva Ecija

Napakalawak na palayan sa Nueva Ecija, ibinida ng aktor na si Rommel Padilla.

Sabi nga nila, ang magtanim ay di biro. Pero kung ikaw ay pursigido, tiyak ikaw ay panalong-panalo.

Ito ang pinatunayan ng aktor na si Rommel Padilla, ang ama ni Daniel Padilla.

Na proud na ipinakita ang kanyang pinalagong mga panananim na matatagpuan sa kanyang malawak na palayan sa Nueva Ecija.

Sa kanyang iba’t-ibang post sa Instagram, buong ipinagmalaki ni Rommel ang kanyang payak na pamumuhay sa kabukiran kasama ang kaniyang pamilya.

Ang mismong palayan ay pagmamay-ari ni Rommel at may mga magsasaka siyang umaani ng mga palay.

Ayon kay Rommel, layunin niya na palakasin ang ani ng bawat magsasaka kaya naman nakipag-ugnayan siya sa isang AgriTech na kumpanya.

Upang mas mapalawig pa ang kanyang hangaring makatulong sa iba.

Saad ni Rommel sa kanyang mga caption: “Palay ay buhay. Dalangin ko po naway maging hitik sa bunga ang lahat ng aming ipinunla upang matustusan ang pangagailangan ng pamilya at ang ating pamayaman. Ang DIYOS ang siyang pinaka Dakila!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rommel Padilla (@omengq)

May mga litrato din siyang kasama ang ilang magsasaka habang inaasikaso ang palayan.

Nagpasalamat din siya sa pamunuan ng nasabing kumpanya sa pagtulong nito na mapalawig ang ani nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rommel Padilla (@omengq)

May video din na ibinahagi si Rommel kung saan nagtatabas siya ng Napier. Para sa mga alaga niyang tupa, kambing at kalabaw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rommel Padilla (@omengq)

Kilala si Rommel sa Nueva Ecija dahil sa naging pagsisilbi nito noon sa unang distrito ng Nueva Ecija bilang isang Kongresista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rommel Padilla (@omengq)

Xander Ford kinainisan ng BTS Army nang sabihin niyang kamukha niya daw si Park Jimin

Beteranang aktres na si Gloria Romero, ibinahagi ang kanyang larawan noong siya ay dalaga pa lamang