in

Rockwell as a friend? Yen Santos at Paolo Contis spotted ulit na magkasama sa Rockwell Makati

Anong kwentong “as a friend mo?”

Tila madami nang kwentong “as a friend” sina Paolo Contis at Yen Santos.

Nagsimula ito nang magpunta sila sa Baguio matapos makipaghiwalay ng aktor sa kanyang asawa na si LJ Reyes.

Nag viral sa social media ang naging pahayag ni Paolo na magkaibigan lamang daw sila ni ng former PBB housemate.

Pero tila iba ang pinapakita ng kanilang mga kilos. Dahil sa mga mapanuring netizens at Marites, ilang beses nang nakita magkasama ang dalawa.

Noong nakalipas na birthday celebration ng aktres, lumalabas na magkasama ang dalawa sa naging “dinner” celebration ni Yen.

May usap-usapan pa na iisang hotel room lang din ang kanilang tinulugan noong gabi na iyon.

Hindi na inalisan ng atensyon ang dalawa simula ang pumutok ang balita na naging dahilan umano ng hiwalayang Paolo at LJ si Yen.

Ngayon naman, spotted na naman na magkasama ang dalawa sa Rockwell Makati.

Sa mabilis na kumakalat na larawan ng dalawa ngayon sa social media, makikita sa isang table si Paolo na may kasamang babae.

Ang babaeng ito ay walang iba kung hindi ang rumored girlfriend na si Yen Santos. Bagamat hindi kita ang mukha ng kasama ng Kapuso actor sa table, sinasabing si Yen umano ito.

Maraming Marites na nga ba ang nakakapasok sa Rockwell?

Youtuber na si Mel de Guia napapabalitang bagong karelasyon diumano ng singer na si Sheryn Regis

Pamasko Serye: Ninang nainis sa kumare na pinipilit siyang padalhan ng pera ang inaanak