in

Robin Padilla naiintindihan diumano ang pangbababae ni Aljur Abrenica na asawa ng anak niyang si Kylie Padilla

Ibinahagi ni Robin Padilla na naghiwalay na ang kaniyang anak na si Kylie Padilla at asawa nitong si Aljur Abrenica.

Nauunawaan diumano ni Robin kung totoong nangaliwa si Aljur Abrenica na asawa ng kaniyang anak na si Kylie Padilla.

Inihayag ito ni Robin sa panayam sa kanya ng talent manager na si Ogie Diaz matapos niyang kumpirmahin na hiwalay na ang celebrity couple.

Ayon kay Robin, natanong niya sa kaniyang anak kung agrabyado ba ito.

Ipinunto ni Robin na hindi ang naging sagot sa kaniya ni Kylie at sinabi na siya ang nakipaghiwalay kay Aljur.

Pahayag pa ng action star, third party umano ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa, bagay na nauunawaan niya bilang isang lalaki lalo pa’t makailang ulit na rin umano siyang nangaliwa noon.

“Meron daw, e. E, imposible ba ‘yun? Hindi naman imposible ‘yan. E, lalaki ‘yan,” ani Robin. “Hindi ‘yan pwedeng hindi mangyari. Kalokohan ang hindi mangyari [ang third party issue] lalo at nasa showbiz tayo.”

Dagdag pa nito, hindi umano siya naniniwala na may lalaking kayang tumanggi sa tukso ng pambababae.

Wala raw sa posisyon si Robin para husgahan si Aljur dahil maging siya ay “ilang beses” nang may karanasan sa pambababae noong kabataan niya.

Masakit man daw na makitang nasasaktan ang anak, naiintindihan daw niya kung hindi tanggap ni Kylie ang pagkakamali ni Aljur.

Paliwanag ni Robin, “Kaya lang, hindi na uso mga martir ngayon. Tanggapin natin, wala na tayo dun.

“Yun ang unang-unang sinabi ko kay Kylie nung nag-usap kami. ‘Lalaki iyang asawa mo. Pasalamat ka nga, anak mo, lalaki.’ “E, wala, hindi raw niya kaya.”

Sa kabila nito ay binigyang diin ni Robin na hindi niya na kailangan mangialam sa gusot nina Kylie at Aljur dahil gusot mag-asawa ito.

Mccoy De Leon gumawa ng nakakakilig na short film para sa kasintahang si Elisse Joson

Pambahay-look ng aktres na si Anne Curtis kinagigiliwan ngayon ng maraming netizens