in

Robin Padilla kinancel ang appointements para dalhin sa ospital ang asawang si Mariel

Nang dahil sa pagpapa-check up ng misis na si Mariel, Robin Padilla kinansela ang mga appointments para samahan ang asawa.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Mariel ang ginawa ng napaka-sweet niyang msiter. Nang malaman nito na isinugod siya sa ospital.

Ayon kay Mariel, ilang araw na daw kasi niyang iniinda ang sakit ng kanyang tenga. Kaya naman nagdesisyon siya patigan na ito sa doktor.

At nang malaman ito ni Robin ay dali-dali nitong kinansela ang lahat ng appointments at agad na pinuntahan ang misis para samahan ito.

Saad ni Mariel sa kanyang IG post, “Ear Day!!! Ear Date!! I have been complaining about my ear and @robinhoodpadilla has been so worried he said he could not concentrate anymore with the things he had to do (wala daw kami magagawa ang tigas daw kasi ng ulo ko were his exact words) so he cancelled appointments and brought me to the hospital for the whole 9 yards… ct scan, xray and ent!!! After 37 years… lesson learned. Do not make kulit your ears.”

Kalakip nito ay ang mga larawan habang siya ay nasa tapat ng CT Scan mahine.

Ilan naman sa kanilang celebrity friends ang nag-alala para sa kalagayan ni Mariel.

Ang ilan naman ay kinilig dahil sa pagiging sweet at thoughtful ni Robin.

Dating pahayag ni Barbie Imperial na ayaw na niyang makipagbalikan sa kanyang ex, binalikan ng mga netizens!

Rhian Ramos sinorpresa ang mga tao sa Bacolod nang lumabas sa hotel para bumili ng taho