in

Rob Moya lubos ang pagsisisi nang maghiwalay sila ng dating partner na si Toni Fowler

Inamin kamakailan ni Rob Moya ang kanyang pagsisi sa naging hiwalayan nila noon ng dating partner na si Toni Fowler.

Usap-usapan na naman ngayon sa social media ang naging pahayag ni Rob Moya. Tungkol sa mga napagtanto niya mula nang maghiwalay sila ni Toni Fowler.

Sa kanyang latest vlog, inilahad ng binata ang labis na pagsisisi niya, inalala nito ang mga nakaraan nila ng dati niyang partner.

Kamakailan kasi ay muli silang nagkasama at sinabi niyang si Toni pa rin magpasahanggang ngayon. Ang nakakaintindi sa mga pinagdadaanan niya.

Kaya naman matapos ang video call nila ni Toni ay doon na lamang niya naisip ang lahat ng nangyari sa kanila.

“Sad talaga ako. Kahit meron akong lahat nito, yung fame o money. I’m not happy. I miss them. I miss her talaga,” saad ni Rob.

Nang isa sa kanyang mga kaibigan ang nagsabi kay Rob na ihayag niya kay Toni ang kanyang nararamdaman. Sinabi nito na huli na ang lahat.

Aniya, “Alam naman niyang mahal ko siya syempre pero hindi ko naman mababalik yung oras na sana hindi na lang ako umalis.”

Ayon pa kay Rob ang pakikipaghiwalay kay Toni ay ang isa sa pinakapinagsisihan niya sa kanyang buhay.

Pahayag pa ni Rob, “Yan yung pinaka malaki kong pagsisisi na hindi ko man lang sinubukan ulit, na hindi ko man lang nilaban yung relasyon namin.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Nadine Lustre at ang kaniyang Exclusive Contract sa Viva, tuloy hanggang December 2029

Scottie Thompson at Jinky Serrano magpapakasal ulit sa pangalawang pagkakataon