in

Rita Gaviola o mas kilalang Badjao Girl, nagpahiwatig sa planong pagsali sa Miss Universe

Mukhang na-inspire si Badjao Girl Rita Gaviola kay Kisses Delavin at nais na din nitong sumali sa Miss Universe.

Sa kanyang latest Instagram post, nagpahiwatig si Badjao Girl sa kaniyang mga tagahanga ng intensyon ng paglahok sa national pageant.Kung saan nasungkit nina Catriona Gray at Pia Wurtzbach ang korona.

“Soon sasali na tayo sa miss u,” saad ni Badjao Girl sa kanyang caption. Kalakip ang larawan niya na makikita ang napakaganda niyang postura.

Sa sumunod niyang post ay makikita ang laki talaga ng pinagbago ng kanyang itsura. Bagay na bagay kay Badjao Girl ang makeup at pati na din ang eleganteng accesories niya.

Marami naman ang na-excite sa tinuran nito kaya bumuhos ang suporta sa comment section ng kaniyang post.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Pang Miss universe tlga ang ganda ng batang to.”

“Ou sali ka. C kisses nga sumali eh. Ung mukha moh ang pang pageant talaga.”

“Sige lang pero prepare for the q and a. Madaming sobrang talino na candidates”

“Oh my Gosh, ang ganda! What a transformation from her humble beginnings”

“Magtrain ka lang galingan mo. Bagay na bagay kang beauty queen!”

Sa ilan pang Instagram post ni Badjao Girl ay makikita na napakalaki na talaga ng kanyang pagbabago. May ilan pa ngang nagbalik tanaw sa itsura niya noon at ikinumpara sa datingan niya ngayon.

Unang nakilala si Rita noong 2016 nang mag-viral na nanlilimos kasama ang kapatid sa kasagsagan ng Pahiyas Festival.

Sinundan ito ng pagkakapili sa kaniya upang pumasok “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kung saan binansagan siyang “Badjao Girl ng Lucena.”

Latest photo ni LJ Reyes umani ng papuri, unti-unti ng nakakabangon mula sa heartbreak

Ayon kay Lolit Solis, hindi afford ni Paolo Contis pumuntang New York para suyuin si LJ Reyes