in

Rhian Ramos sinorpresa ang mga tao sa Bacolod nang lumabas sa hotel para bumili ng taho

Maraming Bacolodnon ang napamangha ng makita ang kasimplehan at kagandahan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Ginulat nga ni Rhian ang mga tao sa Bacolod, nang bigla na lamang siyang sumulpot at bumili ng taho. Napag-alaman na naka-stay pala siya sa isa sa mga hotel doon.

Sa isang video na viral ngayon sa Facebook ay makikitang dinumog si Rhian ng mga tao sa nasabing lugar. Para maki-selfie at makita ng malapaitan ang aktres.

Nagpaunlak naman si Rhian ng maikling panayam sa 23 Media at ibinahagi na isa ang Bacolod o City Of Smiles sa kanyang paboritong lugar.

Ani Rhian, “Hi everyone from here in Bacolod. I’m so happy to be here once again.”

Ayon pa kay Rhian ang Bacolod ang kauna-unahang lugar na nabisita niya magmula lumaganap ang pand3mya.

“It’s one of my favorite spots in the Philippines to go to and I’m glad that I got to meet some of you guys. I hope to be able to come back very soon. This is the first place that I was able to visit ever since the pandemic began”

Sa huli ay sinabi ng aktres na mahal niya ang Bacolod, ang mga tao roon at ang mga masasarap na pagkain. Inanyayahan din niya ang mga Bacolodnon na sana ay patuloy siyang suportahan ng mga ito. At tangkilikin ang kanyang mga proyekto.

“I love you guys, I love this place, I love your food, and I hope you guys could continue to support all of my projects and films in the future. Take care guys”

Robin Padilla kinancel ang appointements para dalhin sa ospital ang asawang si Mariel

Angelica Panganiban nagpost ng larawan ng hilaw na mangga, naglilihi na nga ba talaga?