in

Rhian Ramos pina-wow ang mga netizens, litrato niyang kuha sa Paris nagmistulang super model

Pinahanga ni Rhian Ramos ang maraming netizens dahil sa taglay niyang kagandahan.

Hindi kaila sa publiko na isa si Rhian Ramos sa tinitingala sa industriya ng showbiz. Hindi lamang sa angkin niyang kagandahan kundi pati na din sa galing niya sa pag-arte.

Kamakailan nga lamang ay nagbakasyon si Rhian sa Paris, France.

Ilang litrato na ibinahagi niya sa kanyang social media accounts ang talaga namang nagpa-wow sa marami.

Tila nagmistula kasing isang super model si Rhian sa kanyang mg litrato. “Rainy day in Paris” saad ni Rhian sa kanyang caption.

Nakasuot siya ng eyeglasses black tops, black pants, at black shoes. Ginamit niya ding pangtabon ang kanyang brown na jacket.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)

Sa simpleng litratong iyon ng aktres ay kitang kita na tila ang kanyang pustura ay isang modelo.

Na naka-pose para sa isang sikat na magazine ang datingan. Kaya naman agad na umani ito ng napakaraming papuri.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

 “Looking so chic!”

“you look like gigi hadid”

“wow you nailed Paris, looks like a super model in that aura”

“yung ang simple lang ng posing niya pero pang super model agad ang datingan iba ka rhian”

“Paris seems like perfect for your ootd rhian looks like a professional model there”

Isa talaga si Rhian sa hinahangaan ng marami pagdating sa fashion. Dahil kahit simpleng kasuotan lamang ay talagang nagmumukhang elegante.

Kasama ni Rhian sa naging bakasyon niya ang pamilya nina Dra. Vicki Belo na sina Hyaden Kho at Scarlet Snow.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)

Lyca Gairanod at Karen Davila pinagkatuwaan ng mga netizens, pagkagulat sa isa’t-isa naging meme na!

RR Enriquez ibinahagi ang pagkakamali, gumastos ng 6million pesos sa pag-order na isang truck ng milk tea