in

Reyna ng mga sawsawera na si RR Enriquez pinuri kung paano i-handle ni Kylie Padilla ang isyu nina Aljur at AJ

Muli na namang nagbigay ng kanyang opinyon ang ‘queen sawsawera’ na si RR Enriquez. This time ay tungkol naman sa issue tungkol kina Kylie Padilla, Aljur Abrenica, at AJ Raval.

Tuwing may mainit na usapin sa industriya ng showbiz, lagi na lamang nagbibigay ng kanyang opinyon si RR.

Self proclaimed ‘queen sawsaweRRa’ na nga ang bansag sa kanya ngayon. Dahil sa lagi niyang pakikisawsaw sa mga issue.

Sa kanyang IG post, inilahad ni RR na mahirap din pala ang maging sawsawera. Dahil aniya kailangan ay lagi din siyang updated sa mga nagaganap sa showbiz.

Aniya, “Grabe ang hirap pala maging SawSaweRRa… Kailangan updated ka or else magdi demand na ang mga KasawsaweRRang Palaka natin”

At dahil marami na nga daw ang nagtatanong ng kanyang opinyon tngkol sa hot topic ngayon. Na sina AJ, Kylie, at Aljur ay itinigil muna niya ang kanyang pagbibisikleta.

Sa kanyang pahayag, bilib umano si RR kung paano hina-handle ngayon ni Kylie ang issue tungkol sa kanyang estranged husband.

Saad ni RR, “Kapag maganda ka talaga deadma ka ano? I love how Kylie handle the situations.. No issue (sabi nya) huwag natin gawan ng issue.”

Ayon pa sa dating dancer ng Wowowee, “But seriously she knows her worth and for as long as they are in good terms and doing a great job as a parent to their kids huwag na tayo maki alam at pag awayin pa sila.”

Sinabi ni din ni RR na sana ay ‘wag na din i-bash si AJ, dahil kung si Kylie nga ay dedma na sa issue.

Para naman kay Aljur pabirong sinabi pa ni RR na mahilig pala ito sa mga anak ng action star.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Video noon ni Aljur Abrenica na nagsasabing ayaw niyang mahiwalay kay Kylie Padilla binalikan ng mga netizens

Mahal Tesorero, dinalaw daw ang kanyang kapatid na si Jason Tesorero matapos na may dumapong paru-paro dito