in

ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa bumwelta kay Ruffa Gutierrez dahil sa batikos na natanggap

Nagbigay ng pahayag ang ReiNanay contestant na si Marilyn Lagsa sa naging pahayag sa kanya ni Ruffa Gutierrez.

Kamakailan nga lamang ay nag-trending ang isang contestant sa segment ng Its Showtime na ReiNanay.

Ang nasabing contestant ay kinilalang si Marilyn Lagsa. Ito ay dahil sa naging kasagutan niya sa binitawang katanungan ng kanyang ina.

On-air kasi ay nakiusap ang ina ni Marilyn na magbigay naman siya ng sustento sa kanyang mga anak dahil pandemic ngayon at hindi sila nakakapagtinda ng buko salad.

Dahil sa awa nina Vice Ganda at Kim Chiu sa ina ng contestant ay nag-pledge sila na tulungan ito.

Nang mahingan na ng comment si Ruffa, talagang hindi niya napigil ang sarili at tinalakan ang contestant.

“Alam mo, Marilyn, habang pinapakinggan kita, naha-high blood ako pati si Ate Janice at si Ate Amy. Kasi iniwan mo lang ang mga anak mo sa nanay mo for 10 yrs. na hindi mo sinusustentuhan. Alam kong mahadera kang sumagot kina Vice kanina pero naha-high blood ako dahil maawa ka naman sa nanay mo,” litanya ni Ruffa sa contestant.

Pinangaralan din niya ito at sinabihang kunin na ang mga anak sa nanay nito.

Ngunit ilang araw lang matapos ang episode na iyon, naglabas ng pahayag si Marilyn. Ito ay dahil sumama daw ang loob niya sa isang judge na pinahiya siya.

Saad ni Marilyn, “May isang judges na hindi marunong umintindi, pinahiya din po ako! Sana nu’ng time na po na ‘yun, naisip din niya na naka-live po kami. ‘Di rin marunong mag-isip ‘yung judges ho na ‘yun!”

At paniguradong si Ruffa an tinutukoy dito ni Marilyn kahit hindi niya pa pangalanan.

Narito ang kanyang buong pahayag:

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Ruffa Gutierrez ukol dito.

K Brosas emosyonal na ibinahagi na naloko siya nga halos 7Million ng contractor ng pinapagawang bahay

Dalawang dalaga may reklamo din sa programang Raffy Tulfo In Action laban sa vlogger na si Whamos Cruz