in

Regine Tolentino matapang na isiniwalat na babaero at walang trabaho ang dati niyang asawa

Ibinulgar ni Regine Tolentino ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila noon ni Lander Vera Perez.

Aminado si Regine na mas masaya na siya sa partner niya ngayon.

Kumpara umano sa labingwalong taong pagsasama nila ng dati niyang asawa na si Lander Vera Perez.

Taong 2018 ng ma-annul ang kasal nina Regine at Lander.

Ibinahagi din ng dance instructor at fitness guru na bagamat iniyakan niya ang paghihiwalay nila noon ay mabilis naman siyang naka move-on.

At ngayon nga ay isa na siyang zumba instructor kaya naman napanatili niya ang ganda ng kanyang pangangatawan.

Kahit pa kapapanganak niya lamang noong nakaraang taon.

Kamakailan nga lamang sa isang TikTok video ni Regine ay sinagot niya ang ilang katanungan ng netizens.

Kabilang sa tanong ay kung iba na ba ang asawa niya at tahasan itong sinagot ni Regine na oo at mas masaya siya ngayon.

Sa comment section naman ng post ay ibinahagi ni Regine na isa ang “third” party sa mga naging problema nila, at nahuli niya rin ito.

Bukod pa umano sa panlolokong ginawa noon ni Lander sa kaniya ay wala pa umano itong trabaho. “No Job. Cheater pa” saad ni Regine.

Bago pa man ma-annul ang kanilang kasal noong 2018 ay apat na taon na silang hiwalay ni Lander noon.

Sa loob ng apat na taon, mag-isa lang nga raw na pinalalaki ni Regine ang dalawang anak.

Sagot naman niya sa isang netizen na nagsabing madali lang sa kanya magpalit ng asawa.

“Hindi madali, after 18 years of a failed marriage.”

Ayon pa sa actress-host, hindi gumawa ng paraan ang kaniyang mister para makita ang mga bata.

@regine.tolentinoAsk me more 😎 ##momsoftiktok ##tiktokmom ##fyp ##foryou ##foryoupage ##xyzbca ##tiktokphilippines ##tiktokph♬ The Magic Bomb (Extended Mix) – Hoàng Read

Isang online seller na binansagang si “Madam Inutz” kinagigiliwan ngayon dahil sa strategy niya sa pagbebenta

Andi Eigenmann ipinasilip ang masaya at eco-friendly 2nd birthday celebration ni Baby Lilo