in

Reaksyon ni Manny Pacquiao sa boyfriend prank ng kanyang anak na si Mary, kinagiliwan ng netizens

“Malapit na akong magalit!”

‘Yan ang bulalas ni Senador Manny Pacquiao matapos na malaman na may boyfriend na ang kanyang anak na si Mary.

Isang nakakatak0t ngunit nakakatuwang vlog ang in-upload ni Jinkee Pacquiao at ang kaniyang anak na si Mary sa kanilang YouTube channel.

Tampok sa nasabing video ang prank na ginawa nina Jinkee at Mary kay Manny Pacquiao.

Sa nasabing vlog, sinabi ni Jinkee na nadiskubre niya na mayroon ng boyfriend ang anak na si Mary. Habang kinakausap naman ang anak tungkol sa kaniyang “boyfriend”, kapansin pansin ang pagiging kalmado lamang ni Pacquiao.

Saad ni Jinkee kay Manny, “Her classmate texted me that she has a boyfriend.”

Tugon naman ni Manny, “May boyfriend ka?… Ha?… Kailan?”

Samantala, nakayuko lamang si Mary habang todo acting pa din ang kanyang mommy Jinkee.

Pinaliwanag naman ni Mary na classmate niya ito, at isang taon na silang magkarelasyon.

Nang itanong ni Manny kung anong pangalan ng boyfriend nito, kaagad namang sumagot si Mary na “his name is prank” sabay yakap sa kanyang ama.

Noong nalaman naman ni Manny na ito ay prank lamang, tumawa lamang siya sa kaniyang asawa at anak.

Sa huli, sinabi ni Manny na muntik na itong magalit sa kanyang anak.

Mabilis naman na naging viral sa social media ang nasabing vlog. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga kay Manny Pacquiao dahil sa pagiging kalmado nito sa sitwasyon. May ilan pa na nagsasabi na napaka-cool ni Manny bilang isang ama.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Pacquiao’s such a humble Father, He spoke so gently and never raised his voice.”

“Bait ni Sen.Manny kalmado lng,.best Actress c Madam Jinkee galing”

“Manny’s voice is so gentle and sweet while talking to his daughter”

Panoorin dito ang kanilang video:

Panganay na anak nina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz future heartthrob ayon sa mga netizens

Bea Alonzo inaming naging emosyonal sa pagpapaalam sa mga malalapit niyang kaibigan sa Kapamilya network