in

Reaksyon ni Jay R sa kissing ng asawang si Mica Javier kay Gerald Anderson: “I hope you brush your teeth after that”

May nakakatwang reaksyon ang R&B singer na si Jay R sa naging kissing scene ng kanyang asawa na si Mica Javier kasama si Gerald Anderson.

Sa naging virtual interview sa kanya sa Kapamilya Chat, hindi nakaligtas si Jay R na mahingian ng komento at reaksyon sa kissing scene ng kanyang asawa.

May ginampanang daring role na si Mica noong naging bahagi siya ng Precious Hearts Romances Presents: Los Bastardos.

Ngayon naman, fierce din ang awrahan ng aktres sa kanyang karakter sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Init Sa Magdamag. Kasama niya dito si Gerald Anderson na kanyang leading man.

Sa nasabing interview sa singer, pinanood siya ng clips kung saan may kissing scene si Mica at Gerald.

Habang pinapanood ito, pabirong komento ni Jay R,  “What? What is happening? What is going on? I hope you brush your teeth after that. I hope you ate a mint…”

Hiningian din siya ng reaksyon kung ano daw ang masasabi niya sa kissing scene ng asawa kasama ang ibang aktor.

“Well, I don’t know… It was cool. Okay lang naman. Reaction? I think, it looked, parang hindi nagtagpo eh, oh di ba? Parang, so okay lang sa akin. Chill lang,” kalmadong sagot niya.

Pero paglilinaw naman ni Mica, pinapaalam naman niya daw agad sa kanyang asawa kung may mga kailangan siyang gawing love scenes sa isang proyekto.

Dating video ni Julia Barretto na kumakain ng isaw, umani ng samut-saring komento ngayon

Oyo Boy Sotto sinunod ang payo ng amang si Vic Sotto nang ikasal siya kay Kristine Hermosa